Mayor Abby
Makati hindi pang-third world country ang hitsura!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

Kapag nakikita ko ang Makati lalo ang commercial area nito, may pagmamalaki sa dibdib ko.

‘Yung feeling na hindi third world country ang bayan ko dahil sa mga high end store at restaurants sa Makati na dating dinarayo ng mga Pilipino sa ibang bansa.

May matataas na buildings sa paligid ng Makati City kaya masasabi natin na ‘Hoy, kung ano ang meron kayo, meron din kami.’

Over nga ako kung minsan dahil sa feeling ko na parang nasa New York, Paris o Tokyo ako kapag nasa Greenbelt o Makati Avenue ako.

Ang mga hotel natin, kasing-ganda rin ng hotels sa mga first world country kaya maipagyayabang talaga kaya naiisip ko, hindi ba puwede gawin ito sa lahat ng cities natin?

Nawala sa Maynila ang Escolta, Carriedo at Avenida na dinarayo noon ng mga rich and famous. Kitang-kita ang deterioration ng city.

Ayaw ko naman na isipin na mas mahusay si Mayor Abby Binay kesa sa ibang mayor. O baka naging mas maganda ang city planning noon ni former Makati Mayor Jojo Binay?

Pero sa totoo lang, dapat talaga, bawat city may lugar na ipagyayabang, may showcase. Suwerte ni Mayor Abby dahil meron siyang magandang showcase, bongga!

Ulan nasa mga sinehan pa

Palabas pa rin daw sa 110 cinemas nationwide ang Ulan ng Viva Films na second week na ng pelikula ni Nadine Lustre sa mga sinehan.

Ang sabi ng taga-Viva Films, ang Ulan number 1 local movie sa mga kasabayan nitong pinalabas last week dahil sa word of mouth na maganda ang romance-drama movie na mula sa panulat at direksyon ni Irene Villamor.

Pagkatapos ng Ulan, ang promo naman ng Indak na may playdate sa May 2019 ang pagkakaabalahan ni Nadine. Isang dance movie ang Indak at leading man ni Nadine si Sam Concepcion, ang BFF ng kanyang boyfriend na si James Reid.

Sikat na chocolate drink may pa-summer sports!

Ninang na talaga ni MJ at Francis si Beth Repiso na sports editor ng Pilipino Star Ngayon. Na-imagine ko na talagang nag-enjoy si MJ sa summer sports clinic ng chocolate drink na Milo.

Mula noong summer ng 2018, halos every month nire-remind niya ako nang pagsali uli sa Milo.

For a boy of 7 years old na hindi maalis sa utak ang ginawa for 7 days, ibig sabihin na-enjoy niya ang summer activities ng Milo.

Basta sinabi mo na malapit na ang Milo Summer Sports Clinic, sinusunod agad ni MJ ang utos ng Mama Mel niya.

Amazing talaga ang idea na ito mula sa Milo at salamat talaga kay Beth for the wonderful experience na ibinibigay nila sa mga kabataan tuwing summer.

Drink Milo, support Milo, dahil hindi lang sila product, may malasakit din sila sa mga kabataan.

Take It… Naka-5 Weeks Na

Hay naku Mama Salve, tapos na naman ang isang Tuesday ng kalokohan namin ni Cristy Fermin. Natuwa ako dahil sa mismong show nag-birthday si Tina Roa, ang angel ni Cristy na inggit ako dahil loyal sa kanya at mahusay magluto ha.

Imagine, very smart tapos good cook pa, bongga ha! 

Katuwa naman na talagang every week ay nanonood sina Apple at Dimair Lloyd ng Maryland, hitsurang gabi ipinapalabas ang Take It... Per Minute! sa Amerika ha.

At na-miss namin si Cris at Sal ni Pia Romeo na asawa ni Terrence Romeo dahil absent siya. Every Tuesday kasi ay nasa show siya para maghatid ng food.

Umabot na tayo sa 5 weeks ha, at padami nang padami ang nagmamahal sa atin kaya happy naman ako na stress buster ito dahil para lang naglalaro ang peg namin ni Cristy.

Hay bongga, sana mas marami pang manood para mas masaya. Tutok lang kayo sa Take It… Per Minute! Every Tuesday 12:00 to 1:00 p.m. sa Pilipino Star NGAYON Facebook Page. 

ABBY BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with