^

PSN Showbiz

Empoy at Alex part 2 inaayos na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Empoy at Alex part 2  inaayos na!
Empoy

Nasa planning stage na ang follow-up movie na muling pagtatambalan nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi, the same team ng 2017 hit movie na Kita Kita na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo under Spring Films and Viva Films. Ang nasabing pelikula ay kumita sa takilya ng mahigit P300-M, making it the highest grossing independent film of all time. 

Dito naiba ang takbo ng buhay ni Empoy bilang isang actor-comedian.

Malayo na nga talaga ang narating ng dating winner ng Mr. Suave contest noong noontime show ng ABS-CBN, ang Magandang Tanghali Bayan dahil ito ang kanyang naging pasaporte para maabot niya ang kanyang mga pangarap at matulungan ang kanyang pamilya.

Hirap man, naigapang ni Empoy ang kanyang pag-aaral sa college at nakapagtapos siya ng Mass Communication at pinangarap niya noon na maging isang DJ.

Matapos makagawa ng ilang TV series at pelikula sa ABS-CBN at ilang indie films, lumipat si Empoy sa TV5 kung saan siya namalagi sa loob ng tatlong taon. In 2017, bumalik si Empoy sa Kapamilya Network at naging bahagi siya ng gag show na Banana Sundae. On the same year ay dito siya nabigyan ng malaking break ng Spring Films (na pag-aari nina Piolo Pascual, Joyce Bernal at Erickson Raymundo) na magbida sa indie movie na Kita Kita. 

Dahil sa magandang takbo ng showbiz career ngayon ni Empoy, nakapagpatayo na siya ng magarang bahay sa kanyang hometown sa Baliuag, Bulacan at isang 1990’s themed restobar, ang Wayback 90’s also in Baliuag at natulungan niya ang kanyang inang si Aling Cecilia at anim na mas nakababatang kapatid.

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

EMPOY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with