Myrtle Sarossa nilantad ang magagandang legs!

SEEN: Sinuportahan nina Vhong Navarro, Karylle at ng ibang mainstays ng It’s Showtime ang red carpet premiere ng Papa Pogi sa Trinoma Cinema 6 noong Lunes. Ang stand up comedian at former It’s Showtime writer na si Alex Calleja ang sumulat ng kuwento at direktor ng pelikula na magbubukas ngayon, March 20, sa cinemas nationwide.

SCENE: Ang brilliant excuse ni Alex Calleja na si Teddy Corpuz at hindi si Vhong Navarro ang kanyang pinili na bida ng Papa Pogi dahil mahirap na isang malaking artista ang kunin niya bilang first time director siya. Si Vhong ang dahilan kung bakit ako na-discover kasi  sa mga pelikula niya, nagsusundutan kami. Nakita siguro ni Mother Lily at ni Roselle Monteverde,” ang sabi ni Alex Calleja na tumatanaw kay Vhong ng malaking utang na loob.

SCENE: Bilang first time director, nagtagumpay si Alex Calleja na patawanin ang audience ng Papa Pogi. Ibinalik ni Alex sa Papa Pogi ang klase ng comedy pero updated na ginagawa noon nina Dolphy, Panchito at ng ibang mahuhusay na komed­yante. Sina Donna Cariaga at Myrtle Sarossa ang leading ladies ni Teddy sa pelikula na Rated PG ng MTRCB. Ipinamalas ni Myrtle na isa siya sa mga artista na nagmamay-ari ng pinakamagandang pares ng binti.

SCENE: Ang Stranded ang next movie offering ng Regal Entertainment Inc. Mga bida sa Stranded sina Jessy Mendiola at Arjo Atayde. Sa April 10 ang playdate ng Jessy-Arjo starrer.

SEEN: Kasama si Maine Mendoza sa Holy Land trip ng mga host at staff ng Eat Bulaga. Nauna nang bumalik si Maine sa Pilipinas dahil sa kanyang mga commitment.

SCENE: Ang pictorial ni Matteo Guidicelli para sa unang record album niya sa Viva Records label na kasama sa kanyang kontrata bilang contract star ng Viva Artists Agency.

Show comments