Liza at Enrique
Enrique itatambal naman kay Maine?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

Magandang sign na gagawa ng movie si Alden Richards with Kathryn Bernardo dahil ngayon pa lang, naririnig ko na ang balak na ipareha rin siya kina Sarah Geronimo at kay Liza Soberano.

Ang lawak ng maaaring gawin ni Alden dahil nakita natin na puwede pala na ipareha siya sa mga artista na contract stars ng ibang network.

May narinig din ako na plano na itambal si Maine Mendoza kay James Reid o kay Enrique Gil.

Dapat ganyan talaga ang mangyari para iba’t ibang putahe ang matikman natin, ibang-ibang pareha ang ating mapapanood at magpapatuloy rin ang kanilang growth.

At kapag dumating ang tamang panahon, puwede nang pagsamahin uli sina Alden at Maine sa isang project na magiging big bang dahil nasabik ang fans sa loveteam nila. May nadagdag din na  talento para sa kanila.

Ang cute na mapapanood natin sina Alden at Maine na iba ang mga kasama na makahahasa na mabuti sa mga talent nila.

They will shine brighter and they will grow bigger. ‘Yan ang AlDub, puwede sa lahat, tanggap ng lahat. Unconditional love, hindi selfish at possessive. Go Alden, go Maine, grow and be brighter!

Drug users at pushers dapat patawan ng mas mabigat na parusa

Hindi ko talaga maintindihan ang addiction sa drugs. Siguro kung bata ang drug addict, puwedeng sabihin na misguided o nakiuso.

Pero kapag matanda na ang addict, mag-iisip ka, WHY? Bakit?

‘Yung iba, sinasabi na gumamit sila ng illegal drugs dahil hindi nila maka­yanan ang problema.

‘Yung iba, dahil daw sa gutom dahil nalilimutan nila ang gutom kapag gumamit ng bawal na gamot.Yung iba, dahil sa barkada.

Wala silang ipinagkaiba sa mga lasenggero. Hindi ko maintindihan ang mga lasenggero na umiinom tapos kinabukasan, nagrereklamo na masakit ang ulo o suka nang suka dahil sa kalasingan.

Hindi ko makuha kung bakit kailangang guma­mit ng illegal drugs.

Mapapatawad ko pa kapag bata ang user pero kung may edad na, tapos addict pa, dapat talaga na patawan na sila ng mabigat na parusa.

Kung hindi dahil sa illegal drug war ni President Rodrigo Duterte, hindi ko malalaman na grabe pala ang mga buhay at kinabukasan na nasira ng drug addiction.

Na malaki na ang napipinsala ng mga ipinagbabawal na gamot pero kahit kamay na bakal na ang pinaiiral ni Papa Digong, parang hindi nauubos ang mga drug user at pusher.

Kahit alam nila ang masamang epekto ng drugs, tuloy pa rin sila sa paggamit at pagbebenta. ‘Yung iba, mahirap na nga ang pamumuhay lulong pa rin sa illegal drugs! Ang pera na dapat ipambili ng pagkain, ginagamit sa pagbili ng droga!

Masyado nang malaki ang pinsala sa society ng illegal drugs kaya sana masugpo at matigil na.

Please, nakita na natin ang pinsala, dapat iwasan na at layuan na. User at pusher, pareho na dapat parusahan. Walang magbebenta kung walang bibili. Pareho sila na dapat matuto ng leksyon. Pareho sila na may kasalanan. Stop them!

Inilabas ni Papa Digong noong Huwebes ang bagong listahan ng mga narco politician, ang mga pulitiko o public servant na may koneksyon sa illegal drugs.

Nakakaloka ang listahan dahil may mga kandidato at may mga public official na nasa puwesto.

May pulitiko rin na may koneksyon sa kilalang personalidad pero sure naman na magde-deny sila dahil walang aamin sa isang mabigat na akusasyon ng pangulo ng Pilipinas.

ENRIQUE GIL MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with