Mga producer, sa streaming na lang nagbebenta ng pelikula?

Tony at Angel sa Glorious

Libreng shows at pelikula nasa iwant na, libreng-libre!

Uy mas madali nang mapapanood ng Pinoy mobile subscribers ang mga paborito nilang TV show at pelikula sa iWant, ang streaming service ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng mga murang promo na hatid ng Smart Communications at Globe Telecom.

Kapag nag-avail ng mga murang promo ng Smart at Globe, mapapanood sa iWant ang bagong original shows at movies nito na Allergy in Love na idinirek ni Joross Gamboa, ang nakakakilig na movies na The Gift at S.P.A.R.K., at Apple of My Eye, ang erotic-drama anthology series na Hush, action-suspense series na High, at ang Project Feb. 14. Puwede rin ma-enjoy ng sports fans ang ilulunsad na iWant Sports section sa loob ng iWant app at website kung saan mapapanood nang live ang mga laro ng iba-ibang sports at liga, pati na mga dokumentaryo at specials sa iba’t ibang atleta.

Para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, mag-register lang sa Smart Gigasurf 99 na may Video Every Day sa halagang P99, at may kasama nang 2 GB data pang-surf at dagdag na 1 GB kada-araw para sa isang oras na pano­nood ng videos na valid ng pitong araw.

Para sa Globe subscribers naman, maaa­ring mag-stream sa halagang P29 sa pag-register sa GoWATCH. I-text lang ang GOWATCH29 to 8080 para sa 2GB o pataas na data para sa limang oras na panonood sa iWant at iba pang video apps na valid para sa isang araw.

Sa pagpasok umano ng 2019, nagtala na ng 11.3 milyong registered users ang iWant, na may pinakamalaking koleksyon ng pelikula at palabas. Mapapanood nang libre dito ang iWant original movies at shows gaya ng Glo­rious, Spirits Reawaken, Alamat ng Ano, at  Laureen on a Budget,  pati na ang mga luma at kasalukuyang umeereng Kapamilya shows, mga pelikula, documentaries, Asianovelas, live digital concerts, at ang livestreaming ng Camp Star Hunt, iWant ASAP,  DZMM TeleRadyo, ABS-CBN Channel 2, at ABS-CBN S+A. Mapapakinggan din sa iWant ang libu-libong awitin ng sikat na Pinoy singers.

Maaari ring gamitin ng Smart, TNT, Sun, at Globe subscribers ang kani-kanilang accounts na pambayad para makapanood ng premium content kagaya ng foreign at digitally restored Filipino classic films, at ang pinakabagong hit Pinoy movies sa pamamagitan ng pay-per-view.

Maaari na rin itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.

Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.

Digital na talaga ngayon ang labanan.

So apektado kaya ng pananalasa ng streaming service (iWant at iba pa) ang mga palabas sa TV? At dito na rin nila pi­na­panood ang mga TV show?

Siguro rin ito na lang ang iniisip ng ibang movie producer na balewala na kung hindi man kumita ang ginagawa / ginawa nilang pelikula dahil mabebenta naman nila sa streaming provider.

Kasi talagang may mga pelikula nga­yong pag pinanood, mapapaisip ka kung bakit kaya hindi nila pinaganda ang story or bakit hindi sila kumuha ng mga artistang puwedeng mag-portray na swak  sa character?

Definitely, habang lumalakas sa streaming provider nabawasan ang mga nanonood ng sine. Pero ‘yung gusto na lang nila ang pinapanood nila.

Ang mga TV network wala pa namang statement kung bawas na ba ang TV viewers.

Show comments