^

PSN Showbiz

Matapos gisa-gisahin, Manny Pacquiao pinagtanggol si Karen Davila!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Matapos gisa-gisahin, Manny Pacquiao pinagtanggol si Karen Davila!
Manny at Karen

Si Sen. Manny Pacquiao na mismo ang nakiusap na ‘stop the hate’ matapos ngang kuyugin ng negative comments / bashing si Ms. Karen Davila sa sinasabing offensive interview ng veteran broadcast journalist ang boxing champion sa programa niyang Headstart sa ANC.

Pinag-usapan kasi sa nasabing interview ang tungkol sa pinag-aralan ni Sen. Manny at kung naniniwala ba ito na importante ang diploma sa isang senador or presidente. Yes ang sagot ng senador na boksingero.

Eh siyempre walang college degree ang senador pero nag-aaral daw siya, secret nga lang ang detalye. May point na nagsalita pa si Ms. Karen na wala nga siyang diploma.

Kahapon ay kumalat sa social media ang sagot ni Sen. Manny na hindi siya na-offend sa mga tanong ni Ms. Karen. “Isa po siyang batikan sa larangan ng Broadcasting at trabaho po niya na magbigay ng mabibigat na tanong sa taong kanyang ini-interview,” sabi ng boksingero.

Kung bakit naman kasi mas defensive pa ang mga basher kesa kay Sen. Manny.

Kilala sa husay sa panggigisa si Ms. Karen sa pag-i-interview so hindi na ito bago sa kanya.

Speaking of Karen, siyam pang kandidato sa pagka-senador ang magpapahayag ng kanilang plataporma at pananaw sa mga isyu sa darating na Linggo (Pebrero 24)  Harapan 2019:The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate.

Gigisahin sina Abner Afuang, Gary Alejano, Rafael Alunan, Neri Colmenares, Agnes Escudero, Ding Gene­roso, Romy Macalintal, Mar Roxas, at Erin Tanada at makakasama nina Karen at Alvin Elchico sa ikalawang debate, na mapapanood rin sa ABS-CBN Sunday’s Best pagkatapos ng GGV.

Tulad sa unang debate, bawat kandidato ay bibigyan ng pagkakataon na magpahayag ng kanilang mithiin para sa bansa at plano kapag naihalal.

Sasalang din sila sa Fast Talk segment, kung saan kailangan makasagot ng mabilis at malinaw tungkol sa iba-ibang usapin. Magtatanong din sa kanila ang ilang nanonood tungkol sa mga problemang kinahaharap ng isang karaniwang mamamayan ng bansa.

So sino kaya sa siyam na kandidatong ito ang ‘gisahan’ gigisahin ng husto Ms. Karen?

Pero ang isang tiyak na tiyak na aabangan ay ang brand new father na si Mar Roxas.

Darating daw ito ng bansa or baka by the time na binabasa n’yo ito ay nasa Manila na siya para sumali sa debate.

Tiyak na uusisain ang tungkol sa sanggol nila ng misis niyang si Korina Sanchez na isang girl and boy na tatlo na pala agad ang yaya base sa IG post ni Ms. Koring.

vuukle comment

KAREN DAVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with