Bela at Piolo
Piolo naglabas ng ebidensiya sa Valentine celebration nila ni Bela!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

Whew naglabas ng ebidensiya si Piolo Pascual na magkasama sila ni Bela Padilla nung February 14, Araw ng mga Puso.

Oo nga at hindi naman sweet photos pero at least natuwa ang fans nila na sila ang magka-date with other friends like Direk Joyce Bernal na regular na ka-buddy ni Papa P.

Kinilig ang fans at nakahanap ng pag-asa, na baka naman puwedeng maging sila.

Sa You Tube channel ni Papa P uploaded ang nasabing video na may title na My Valentine... kaya automatic naisip ng lahat na last February 14 ‘yun.

May naganap na handaan kasama ang iba pang mga kaibigan na Pinoy / Mediterian ang mga pagkain. May kantahan ding naganap at may poetry reading. Meron ding sayawan habang kumakanta si Bela ng Buwan.

May shot sa nasabing video na magkatabi sila at parang namumuni-muni sa harap ng dagat na ang sabi ay sa pag-aaring resort ‘yun ni Piolo.

Well, ang kuwento naman ng isa, may gagawing project ang dalawa at malamang pre-publicity na ang nasabing video na nagpa­dagdag din ng subscribers ng actor.

Pero ang bottomline, masaya ang nasabing Valentine celebration ng grupo nina Piolo at Bela. At walang masama.

BELA PADILLA PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with