Lito hindi naghangad maging Presidente
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

Pinahanga ako ni Lito Lapid sa sagot niya sa tanong kung may ambisyon siya na maging presidente ng Pilipinas.

Ang sabi ni Lito, alam niya kung hanggang saan ang kanyang kakayahan kaya hindi siya maghahangad ng mas mataas pa na posisyon sa senador.

Hindi man daw mataas ang edukasyon niya, napapaligiran siya ng mga staff na alam ang ginagawa at nakakatulong para mapag-aralan ang mga bagay na kanyang hinaharap bilang senador.

So honest at straightforward si Lito kaya gaya nang sabi niya, hindi siya napag-iinitan dahil alam ng lahat na hindi mataas ang kanyang ambisyon.

Mataas din ang rating niya sa mga senatoriable survey dahil naging idolo siya ng mga nasa laylayan ng society, ang mga tao na nangangarap na  puwedeng marating rin nila ang mga naabot ni Lito.

‘Yun siguro ang charm ni Lito Lapid, ang pagiging pantay niya sa masa.

And true may Atty. Jericho si Lito na at his beck and call na tumutulong at nagpapaliwanag sa kanya sa mga isyu.

More than 10 years nang hindi gumagawa ng pelikula si Lito dahil naging priority niya ang paglilingkod sa bayan.

Nami-miss ni Lito ang paggawa ng pelikula pero mas mahalaga sa kanya na harapin ang mga responsibilidad bilang senador.

Nasulit naman ang hindi paggawa ni Lito ng pelikula nang magkaroon siya ng special participation sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Tinanggap ni Lito ang offer na mag-guest sa show ni Coco Martin dahil ang sabi sa kanya, kailangan lang siya sa huling dalawang linggo ng Ang Probinsyano noong 2017.

Eh humataw nang husto sa ratings ang drama action series ni Coco kaya inabot ng dalawang taon ang special appearance ni Lito sa Ang Probinsyano na ikinatuwa naman ng kanyang fans na sabi nang mapanood siya sa big screen.

Well, number one pa ang Probinsyano exposure ni Lito at alam naman ng lahat na number one si Coco Martin kaya kahit sino ang makasama niya, malakas ang dating.

Big part ng pagbabalik sa senado ni Lito si Coco Martin ‘di ba Mama Biboy Arboleda kong mahal?

Kung hindi ako nagkakamali, ang Tatlong Baraha ang last movie ni Lito at si Madame Violett Sevilla ng Violett Films ang produ ng pelikula na official entry noon sa Metro Manila Film Festival 2006.

Enzo marunong makisama sa lahat

Sa mga sumali sa Starstruck, isa si Enzo Pineda ang pinakanabaitan ako at nagustuhan ko ang ugali. Matutuwa ka sa kanya dahil very close siya sa mommy niya na si Macy Pineda.

Maganda ang PR ni Enzo na kahit angat ang pamumuhay, marunong makisama sa mga kapwa niya artista.

Natutuwa ako kapag nakikita ko na very passio­nate si Enzo sa trabaho dahil gustung-gusto niya ang showbiz. Talagang nag-grow siya mula sa pagiging newcomer at ngayon nagbibida na sa movies. Siya ang leading man ni Winwyn Marquez sa Time & Again ng Regal Entertainment Inc. na nagbukas sa mga sinehan noong February 20.

Totoo ang sinabi ni Winwyn na parang brother at sister ang samahan nila kaya hindi magkakaroon ng romantic angle ang kanilang partnership sa Time & Again.

I’m happy for Enzo dahil unti-unti nang narara­ting nito ang kanyang mga pangarap. Pinakamaligaya si Macy sa mga nangyayari ngayon sa career ni Enzo dahil alam niya ang mga pangarap ng kanyang anak.

LITO LAPID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with