Alden at Kathryn
Alden at Kathryn
Alden at Kathryn movie, walang malay na gagawa sila ng pelikula
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

Nagulat ang mga taga-GMA Artist Center nang pumutok ang balitang magsasama sa isang pelikula sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Wala raw silang masasabi tungkol diyan, dahil wala pa talagang naipa-finalize.

Kaya wala silang masagot sa ilang tanong namin dahil wala pa raw talagang konkretong offer.

Pero ayon sa ilang napagtanungan namin, meron talagang alok sa dalawang bida.

Hindi lang masabi ng aming source kung ga­ling sa Star Cine­ma ang alok, pero wala pa ngang masasagot ang kampo ni Alden, dahil kailangan pang ipagpaalam sa APT Films kung saan nakakontrata si Alden.

Kailangan ding ipaa­lam sa GMA-7, at maa­ring sa panig din ni Kathryn, naiayos din dapat sa ABS-CBN 2 iyon.

Pero nang napag-usapan na ito sa social media kamakalawa ng gabi, ang da­ming nag-react na ang nakakatuwa, marami naman ang gusto at excited sa bagong kumbinasyong ito.

Meron talagang matitindi ang pamba-bash, at ang iba ay sobrang pang-insulto sa pagkatao ni Alden.

Kaya iyun ang isa sa nakakakaba kapag matuloy ang project na ito dahil sa matitinding bashing ng ibang fans.

Ang panget naman kung pangungunahan na ito ng kanegahan.

Maganda naman ang sagot ng ilang solid supporters ni Kathryn.

Matagal na raw okay sina Kathryn at Alden sa isa’t isa.

Magkasama pala silang dala­wa sa endorsement ng isang brand ng notebook at sila ang nasa cover na mabenta sa mga kabataan. Nagkakasama rin daw sila sa ilang events ng notebook na iyun.

Abangan na lang natin ang official announcement nila kaugnay sa proyektong ito.

Bayani worried na ma-triple x ang ginawang pelikula

Balik-bida si Bayani Agbayani sa bagong pelikula ng Horseshoe Productions, ang Pansamantagal ni direk Joven Tan, kasama niya rito si Gelli de Belen at DJ Chacha.

Hindi nagdalawang-isip si Bayani na tanggapin ang project na ito ni direk Joven dahil swak na swak daw ang style ng comedy niya na parang hindi lang uamaarte.

“Ang natutunan ko kasi sa pelikulang ito, dapat talaga ‘no acting’. Napapanood ko sa mga Hollywood films, parang hindi sila umaarte,” pakli ni Bayani nang nakatsikahan namin sa tanggapan ng Horseshoe nung isang gabi.

Pero ang kaibahan sa pagpapatawa ni Bayani sa pelikulang ito ay ang deretsahang pagsasalita ng mga bastos na dialogue para mas makatotohanan.

Meron pa raw siyang frontal nudity dito na ayaw lang nilang ipaliwanag ni direk Joven kung paano ang execution.

“Basta secret,” lang ang sagot ni Bayani nang uriratin namin tungkol sa pelikula.

Hindi nga niya alam kung anong rating ang ibibigay ng MTRCB (Mo­vie and Television Review and Classification Board) sa pelikulang ito.

“Tingin ko triple X to. Baka hindi ito ipalabas sa mga sinehan. Baka sa betamax na. Ibalik natin ang betamax,” pabirong sagot niya sa amin.

Pero sa totoo lang, sobrang madasalin ni Bayani, sila ng asawa niyang si Lenlen. Malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil hindi raw talaga siya nawawalan ng trabaho.

Kinukuha nga raw siya ng FPJ’s Ang Probinsyano, pero wala siyang mabibigay na schedule.

Pagkatapos kasi ng I Can See Your Voice, dito na pumasok ang pelikula, na kung saan natapos na niya itong Pansamantagal, at ka-partner din siya ni AiAi delas Alas sa Fillennials. Pinag-uusapan na rin daw ngayon ang Aswang ang Nanay Ko na hango sa joke niya sa I Can See Your Voice na nag-viral.

Kaya ipinaubaya na raw niya lahat sa Diyos na siyang nagpa-plano ng lahat na nangyayari sa buhay niya.

”Alam mong naniniwala ako sa, huwag mo lang planuhin ang future mo, may magpaplano sa yo. Basta gumawa ka lang ng mabubuti sa present, ang future mo may mag-aalaga na. Hindi ko naman pinaplano eh,” pakli ni Bayani.

Kaya kampante siya na tatanggapin ng mga manonood ang pelikulang ito, dahil lahat ay idinadasal at ipinapaubaya raw niya sa Diyos.

Sa March 20 na ang showing nito, pero ngayon pa lang ay hit na hit sa You Tube ang trailer na umabot na ng mahigit 8M views.

Telefantasya na master ng GMA

Pinatunayan ng GMA-7 sa Kara Mia ang forte nila sa telefantasya.

Hindi man nito natalo ang matinding katapat, lumalaban naman daw kahit papano.

Malakas ang kumpiyansa ng mga taga-Kara Mia na makukuha rin nila ang karamihang audience kapag bumalik ang interes nila sa telefantasya.

Saka iba pa rin talaga ang suwerte ni Barbie Forteza sa TV, kaya lalong gumaganda ang takbo ng kuwento.

Patuloy pa rin ang promo ng buong cast ng Kara Mia, kaya sa darating na Sabado ng umaga, special guests sina Barbie at Jak Roberto sa Sarap ‘Di Ba. Ibabahagi nila ang masaya nilang Valentine celebration na kung saan talagang nag-effort si Jak sa surprise niya kay Barbie.

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with