Vice Mayor Joy
Manay Lolit at Manay Cristy may pangako kay VM Joy
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2019 - 12:00am

Aliw ang informal endorsement ng dalawang beteranang TV / radio host na sina Nay Lolit Solis and Nay Cristy Fermin na ngayon ay may digital show na rin na Take It... Per Minute kay Vice Mayor  Joy Belmonte.

“Hoy kahit anong sabihin mo, kahit anong ganda ng Makati, Joy Belmonte pa rin ako dahil taga-Quezon City ako. Hahaha.

“Solid Joy Belmonte po kami sa Quezon City,” bahagi ng pahayag ni Nay Cristy.

“Pero Sir Miguel (Belmonte) taga-Bulacan ho siya ha, hahaha. Pero nasa QC ho ang mga tindahan niya, itong Obra ni Nanay Gallery at meatshop,” mabilis na hirit ni Nay Lolit sa pinagganapan ng taping ng Take It... Per Minute last Tuesday na Obra ni Nanay Gallery sa QC kung saan makikita ang mga obra ng masters at mga baguhang artists na gumagawa na ng pangalan.

“Kaya lahat po ng trabahador ko kay Mayor Joy,” pangako ni Nay Cristy.

Sabay tawanan sila na matagal nang magkaibigan at magkasama sa trabaho pero ngayon lang nagkasama sa isang digital show kaya kahit anong biruan, walang pikunan.

I’m sure naloloka at nataranta ang ibang kandidato sa nasabing endorsement ng dalawang giant sa talk shows kay VM Joy na makikita mo ang sincerity sa kanyang paglilingkod. 

CRISTY FERMIN JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with