Barbie
Barbie gustong makaranas na magka-ama!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2019 - 12:00am

Pero walang galit kahit iniwan

Limang taong gulang pa lamang si Barbie Imperial nang magkahiwalay ang mga magulang. Mula noon ay nagsumikap na raw ang aktres upang mapabuti ang pamumuhay. “Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magrerebelde, mag-aaral akong mabuti at magiging successful ako. Kasi umalis nga po siya kasi may rason. Ayaw kong parang sabihin na, ‘Ah baka tama ang desisyon ko na umalis.’ Ako parang gusto kong ipakita sa kanya na mali ang iniwan niya,” pagbabahagi ni Barbie.

Nakararamdam ng kalungkutan ang dalaga dahil hindi buo ang kanilang pamilya. Paminsan-minsan ay nakikipagkita naman daw si Barbie sa ama tuwing umuuwi sa Albay ang aktres. Umaasa rin si Barbie na muling makasama ang ama sa iisang bahay. “’Yon ang pinakamalaking sana para sa akin. Sana isang bahay kami ngayon ng papa ko. Kasi parang gusto kong ma-experience na paano kaya kung ‘yung ginagawa ni mama ay si papa ang gumagawa noon. Paano kaya kung minsan ay si mama ang sumama sa akin sa taping, paano kaya kung si papa ‘yon? Gusto ko lang ma-experience kung paano. Minsan kahit isang araw lang, kahit isang oras lang,” pagtatapat ng aktres.

Kahit iniwan ay hindi naman nakararamdam ng galit si Barbie sa mga naging desisyon ng ama. “Papa, gusto ko lang po sabihin na never po akong nagalit sa iyo, na hanggang ngayon po ay hindi pa rin kumpleto kung ano ‘yung nasa puso ko. Pero thank you po kasi ganito ako ngayon. Kasi simula po noong nawala ka, mas ginusto ko po na maging strong para sa sarili ko, para kay mama. Hindi po ako nagagalit. Alam ko na may reason kung bakit kayo umalis. I love you po,” emosyonal na mensahe ng dalaga para sa ama.

Zeus nahirapan sa pagiging taxi driver

Sa kauna-uanahang pagkakataon ay nagkatrabaho sina Pokwang at Zeus Collins para sa short film entry na Napaano Ka Arna mula sa Star Magic.

Mapapanood ang nasabing pelikula sa Lights Camera Magic website sa susunod na buwan. Nahirapan daw si Zeus sa kanyang karakter bilang isang taxi driver na sumasayaw din. “’Yung hindi masira ‘yung taxi na gagamitin. Kasi dapat dahan-dahan, smooth lang. Kasi may mga tumbling eh, may mga stunt kaming gagawin na dapat nasa taas kami ng taxi. ‘Yung iba hindi namin ginawa dahil baka mayupi. Kaya ‘yon ‘yung challenge sa amin, bigla kaming nagbago ng choreo,” kwento ni Zeus.

Maipagmamalaki ng Hashtags member ang bagong proyekto dahil ibang-iba raw ito sa kanyang mga nagawa noon. “Nagustuhan ko rin ‘yung istorya, kasi sinabi ni Direk (Patricia Ann Rivera) hindi siya basta sayaw lang na movie. Talagang may kuwento siya kasi malalim dahil sa isang babae na nagawa niya lahat para sa nanay niya. Tapos kakaiba pa kasi sayaw, hindi mo ginagamit ‘yung salita. Sa pamamagitan lang ng galaw ng katawan mo. Kaya ito sobrang bago ‘to para sa akin,” pagdedetalye ng binata.

(Reports from JCC)

BARBIE IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with