^

PSN Showbiz

Lito ayaw makipagpagalingan

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Lito ayaw  makipagpagalingan
Lito at Coco

SEEN: Ipinakita ni Nora Aunor nung Monday at Tuesday night episodes ng Onanay na siya pa rin ang nag-iisang superstar dahil sa kanyang powerful performance sa death scene ni Gardo Verzosa.

SCENE: Sa loob ng mahigit tatlong minuto, nakababad lang ang mga kamera sa mukha ni Nora Aunor na nagpakita ng iba’t ibang klase ng emosyon sa death scene nila ni Gardo na gumaganap na kapatid niya.

SEEN: Tunay na anak ang trato ni Lito Lapid kay Coco Martin na dalawang taon na nakasama niya sa Ang Probinsyano. Two weeks lang dapat ang guesting ni Lito sa show ni Coco pero inabot ng tatlong taon dahil sa mataas na ratings ng serye. 

SCENE: “Wala po kaming napag-usapan sa ganyan kasi nahihiya naman ako sa kanya. Alam ko naman na marami ang kumukuha sa kanya na pulitiko para iendorso. Ni minsan, hindi ko binuksan sa kanya na tulungan niya ako,” ang pahayag ni Lito tungkol sa posibilidad na iendorso ni Coco Martin ang senatorial bid niya sa May 2019.

SEEN: “Hindi, hindi naman ako nakikipag-contest sa pagalingan eh. Hindi naman siguro mapapakita sa debates ‘yung kagalingan ng isang taong gustong tumulong para sa ating mamamayan,” ang sagot ni Lito Lapid sa mga senatorial candidate na hinahamon siya ng debate.

SCENE: Ang Dragon Lady ang ipapalit ng GMA 7 sa timeslot ng Asawa Ko, Karibal Ko na magwawakas sa March 1. Nataon sa tag-init ang taping nila kaya sakripisyo kay Janine Gutierrez ang prosthetics.

vuukle comment

COCO MARTIN

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with