Lolit at Cristy naabangan sa Take It… Per Minute!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

Finally may talkshow na uli sila Nay Lolit Solis and Nay Cristy Fermin. 

At bongga magkasama pa sila. Ngayong tanghali nga aarangkada ang pinakabagong talk show, ang Take It… Per Minute!, ang isang oras na tsikahan with Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin, 12:00 to 1:00 p.m. sa Pilipino Star Ngayon Facebook account.

Ito ang unang pagkakataon na nagsama ang dalawang reyna ng intriga sa telebisyon at kolumnista ng Pilipino Star Ngayon.

“Hindi uso sa amin ni Manay Lolit ang pagtatago ng alas, kung ano ang totoo ay ‘yun ang sinasabi-sinusulat namin, batu-bato na lang sa langit at ang tatamaan ay siguradong mabubukulan,” pahayag ni Nay Cristy.

 “ Kaya nga. Bongga! Panoorin n’yo na. Marami kaming nakahandang tsismis noh. Hahaha. Or else kayo ang itsitsismis namin,” hirit naman ni Nay Lolit.

Kaya watch na kayo. Mga pasabog at walang uurungan ang mga reyna ng intriga sa Take It…Per Minute.

Matagal na ring nawala ang talk show sa TV kaya mara­ming nagbabantay sa kanilang pagbabalik.

CRISTY FERMIN LOLIT SOLIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with