Joem
Joem Bascon gusto namang maiba ang ginagawa
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagka­kataon ay nagkatambal sina Yeng Constantino at Joem Bascon sa pelikulang Write About Love. Ayon sa aktor ay talagang nag-audition siya para sa nasabing independent film. “Nag-audition talaga ako for the project. Tinext nila ako, pinabasa ‘yung script. Pinag-audition nila ako. Ilang beses ako nagpunta, blessed na napunta sa akin ‘yung role. With Yeng, nagkakasama kami sa labas, sa project first time. Very excited ako, kapag nakikita ko naman siya, very mabait, makwento, machika,” kwento ni Joem.

Para sa binata ay kakaiba ang kanyang karakter sa bagong proyekto. Malayung-malayo raw ito sa kanyang mga nagawa na noon. “I’ve done a lot of films na medyo heavy, medyo komplikado. For this one, gusto kong makita nila ‘yung soft side ni Joem. Papakita niya na pwede siyang mag-romcom (romantic-comedy), pwede siya sa romantic side, pwede siya sa come­dy side. Pwede siya sa story about love, story about relationship. ‘Yon ang gusto kong makita nila sa akin. Kapag kasi sinabing Joem Bascon, parang character actor, baliw, serial killer. For this one, medyo makikita nila ‘yung loving side ko. Si Marco (karakter niya), very hardworking na individual, mapagmahal sa pamilya niya, mapagmahal sa partner niya. Ganito si Joem sa totoong buhay, na hardworking ako, mapagmahal ako sa family, sa friends,” pagbabahagi ng aktor.

Bukod sa bagong pelikula ay malapit nang mapanood muli si Joem sa isang teleserye. “I’m doing one with Judy Ann, Starla under ABS-CBN, soon na ‘yan,” pagtatapos niya.

Mccoy  at Heaven, magiging loveteam na

Si Heaven Peralejo na ang bagong katambal ni McCoy de Leon. Hanggang buong March pa mapapanood ang dalawa sa Wansapanataym presents: Mr. Cutepido. Sa Kapamilya network tuwing Linggo ng gabi. “Parang gano’n na nga po kasi ‘yun ‘yung sinasabi ng management na ita-try kami. And hopefully, dire-diretso na po ‘yun,” nakangiting pahayag ni Heaven.

Nakatakda ring magtambal sa pelikula sina Heaven at McCoy kaya kailangan itong pakaabangan ng kanilang mga tagahanga. “Kami ni McCoy, may gagawin kaming The Mirror under Star Cinema. ‘Yung The Mirror kambal ako, tapos it’s a horror-thriller na movie. And then malaki din do’n ‘yung gagampanan ni McCoy. So ayun, magkasama ulit kami. It’s under T-Rex Productions din,” pagdedetalye ng dalaga.

May bulung-bulungan na nagkakamabutihan na talaga sa totoong buhay ang Hashtags member at ang dating Pinoy Big Brother housemate.

Para naman kay Heaven ay talagang mabu­ting magkaibigan lamang sila ng aktor. “Magaan, magaan sa set. Kasi magaling siya eh, and we’re like good friends talaga. As in nagkakatawanan kami. Mostly nagkakaasaran, inaasar niya talaga ako the whole time. At the same time, gano’n din naman ako. So okay kami,” paglalahad ni Heaven.

(Reports from JCC)

JOEM BASCON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with