^

PSN Showbiz

Babaeng personalidad na maligaya para sa kaibigan kinuyog ng mga ‘ampalaya’

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinupupog ngayon sa social media ang isang kilalang female persona­lity. Ang mga umuupak sa kanya, ang mga loyalista ng isang grupo na galit na galit sa kanya dahil inirereto diumano niya ang idolo ng mga ito sa ibang lalaki, kaya pinakakain siya ng ampalaya ngayon ng grupo.

?Ito ang grupong nagwawala kaagad kapag may ibang lalaking nauugnay sa kanilang idolo, pinagbibintangan agad nilang manggagamit ang lalaki, kundi man niloloko lang ang kanilang idolo.

?Kuwento ng aming source, “Nakakaawa naman ang female personality. Nag-post lang siya ng kaligayahan tungkol sa controversial na girl, inupakan na agad siya ng mga faney nu’ng babae!

?“Kesyo inirereto raw niya ang girl sa ibang lalaki, kesyo bad influence daw siya sa girl dahil maligalig ang lovelife niya, ang dami-dami na agad nilang nasabi about the female personality.

?“Hindi man lang nila naisip na ang babaeng binabastos nila, e, anak ng isang kilalang male personality na tumulong nang malaki para makilala ang idol nila!

?“Respeto man lang naman sana sa father nu’ng babaeng nilalapastangan nila, di ba? Hindi na kasi sila nag-iisip, banat na lang sila nang banat, mga bulag talaga ang mga taong ‘yun!” simulang kuwento ng aming source.

?Minsan na ring napaso sa pakikipag-close sa kontrobersiyal na babae ang isang female personality. Naging close sila ng girl, pero mula nu’n ay binash na ito nang binash ng mga tagahanga ng girl, kaya lumayo na lang ito.

?Kuwento uli ng aming impormante, “Kahit sino na lang na makipagkaibigan sa mga idolo nila, e, inaaway nila. Kapag may nakipag-close sa girl, agad na nilang uupakan. Kapag may nakipagkaibigan sa male idol nila, e, agad na rin nilang babastusin sa social media.

?“So, parang wala nang karapatan ang mga idolo nila na makipagkaibigan kahit sino dahil nilalagyan agad nila ‘yun ng malisya! Nakakaawa naman ‘yung dalawa, parang ang gustong mangyari ng mga fans nila, e, hawakan na lang sila sa leeg, wala na silang karapatang mabuhay!” inis na inis na kuwento ng aming source.

?Ubos!

Pamilya Barretto malapit na uling mabuo

Magandang balita ang hatid para kay Gretchen Barretto ng biglaan nilang pagkikita ni Claudine at ng mga anak nito sa isang pamosong hotel.

?IG Story ni Sabina ang lumabas, kitang-kita du’n ang magiliw na pakikipag-usap ni Gretchen sa kanyang mga pamangkin, iniimbita pa niyang dumalaw ang mga ito sa kanyang bahay dahil ipagluluto niya.

?Ganu’n ang magandang balita para kay Gretchen na kailan lang ay nakisawsaw sa isang kontrobersiyal na isyu, magandang malaman ng publiko na maayos ang relasyon nilang magkapatid, sana nga sa susunod ay mabalitaan na lang natin na dumalaw na rin pala ang aktres sa kanyang mga magulang.

?Dekada na ang nakararaan na hindi nakikita ni Gretchen sina Daddy Mike at Mommy Inday, naoperahan nga ang kanyang ama, pero ang ibang mga kapatid niya lang ang nandu’n para dumalaw at mag-alaga kay Daddy Mike.

?Nagkakaedad na ang kanyang mga magulang, kailangang humabol ni Gretchen sa mga natitira pang panahon, napakabigat sa dibdib ang pagsisisi sa bandang huli.

?Anuman ang sabihin at anuman ang naganap sa kanila nu’ng mga nakaraang taon ay siguradong dalawang-kamay pa ring tatanggapin ng kanyang mga magulang si Gretchen. Ang dugo ay dugo.

?Kahit nga nu’ng mga panahong nalalagay sa gitna ng intriga si Gretchen ay ipinagtatanggol pa rin siya ni Mommy Inday. Hindi ito mapakali, kailangan nitong ipagtanggol ang kanyang anak, na ewan kung ikinatutuwa naman ng aktres dahil matindi pa ang hidwaan nila nu’n.

?Anuman ang mangyari ay magkakadugo pa rin sila, kayang-kayang kalimutan ng mag-asawa ang mga nagawa ni Gretchen, lalo na kung humihingi na siya ng dispensa.

?At parang nakikinita na namin ngayon kung gaano kaligaya ang kanyang mga kapatid kapag nangyari ang pagkabuo uli ng kanilang pamilya.

?Babaha ng luha, magbubunyi ang buong pa­milya, dahil umuwi na ang kanilang kapatid sa piling ng kanilang mga magulang.

?Sabi nga, makalaban na natin ang buong mundo, basta kakampi natin ang ating pamilya ay maipa­panalo pa rin natin ang laban.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with