^

PSN Showbiz

Winwyn ayaw magsalita sa rason ng hiwalayan nila ni Mark

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Winwyn ayaw magsalita sa rason ng hiwalayan nila ni Mark
Mark at Winwyn

Break-up kay Mark Herras ang pasabog ni Winwyn Marquez sa presscon ng pelikula niyang Time & Again kasama si Enzo Pineda na dinirek ni Joey Reyes.

Hindi niya na naitanggi nang deretsahan siyang tinanong kung totoo ba ang balitang break na sila ni Mark Herras.

Sabi na lang ni Winwyn; “Actually, yeah! I’m single right now. We’re both okay. It was a mutual decision. Naghiwalay kaming maayos. Walang away, walang third party.

“My God! Parang awa nyo na, hindi yun talaga reason. We’re both okay. Nag-uusap pa rin naman kami.”

Nakiusap na lang si Winwyn na huwag nang alamin kung ano ang dahilan ng break-up. Sa kanila na lang daw sana iyun.

Tiniyak lang ng beauty queen/actress na okay daw silang dalawa as friends.

Ayaw lang niyang sabihin kung kailan pa sila break, pero recent lang daw ito.

“Nag-usap naman kami ng harap-harapan na hindi lang yung text text na usual na siguro na ginagawa ng iba.

“It was a mutual decision and we just want to do our own things now,” pakli ni Winwyn.

Hindi rin daw sila yung tipong mag-ex na nag-unfollow na sa kanilang social media account.

Wala raw nabago, nagpa-follow pa rin daw sila sa isa’t isa, pero may mga ilang photos lang daw na itinago lang muna ni Winwyn. Hindi naman daw tinanggal.

“Naka-hide lang siya, kasi hindi ko pa naman kayang i-delete,” pakli ni Winwyn.

Nagbatian din daw sila ng Happy Valentine’s, pero ngumiti lang si Winwyn nang tinanong namin kung may “I love you” pa ba sa greetings nilang iyun.

Busy naman daw ngayon si Winwyn sa promo ng Time & Again, kaya working Valentine’s Day daw siya.

Ang isa sa nanghinayang sa tatlong taong relasyon ng dalawa ay ang ma­nager ni Mark na si Manay Lolit Solis.

Ramdam nga raw niyang sobrang sad ni Mark, pero minsan ay hindi na raw niya sinasagot ang mga tawag ni Mark dahil ayaw daw niyang makarinig ng nakaka-depress na kuwento.

Nanghinayang lang daw siya dahil nakikita raw niyang magandang influence si Winwyn para kay Mark, lalo na’t ulila na raw ito ngayon.

Kaya ang wish ng karamihan para kina Winwyn at Mark, na sana magkabalikan daw sila.

“Ayoko namang magsalita ng tapos, baka mamaya, bukas nagkabalikan na kami di ba? Pero ngayon, hindi talaga,” pahayag ni Winwyn.

Burol ni Armida Siguion-Reyna, may musical show gabi-gabi

May pa-concert gabi-gabi sa burol ni Armida Siguion-Reyna sa Heritage Memorial Park, na kung saan nagkakantahan doon ang mga singer na naging paborito ang musical show ni Tita Midz na Aawitan Kita.

Pumunta kami sa second night ng burol ni Tita Midz, at talagang standing ovation ang mga nandun sa burol nang mag-impromptu concert sina Dulce, ang mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez, si Bimbo Cerrudo at ang iba pang hindi ko na nakilala, pero magagaling sa mga kundiman song.

Sabi ni Robert, patikim pa lamang daw iyun dahil mamayang gabi raw talaga ang big night na kung saan magbibigay ng magagandang awitin ang mga kilalang singers.

Sabi ng apo ni Tita Midz na si Rafa, iyun naman daw talaga ang gusto ng lola niya na laging may kumakanta.

Nung nabubuhay pa raw ito, pero hindi na siya gaanong nakakakilala ng mga dumadalaw sa kanya, napapangiti raw si Tita Midz kapag kinakantahan siya o kaya may magpatugtog ng musical instruments sa kanya kaya gusto nila may pa-concert gabi-gabi sa burol.

Kaya inaasahan ang masayang kantahan mamayang gabi, at Sabado ng umaga ay magkakaroon ng necrological service, at ililibing ang mga abo ni Tita Midz sa Linggo doon na rin sa Heritage.

Dingdong at Dennis maraming natutunan nang magsama

Mamayang gabi na ang finale ng Cain at Abel at parehong masaya ang dalawang bida na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo dahil naibigay daw nila itong nakakaintrigang plot ng kuwento na gustung-gusto ng mga manonood.

Para naman kay Dennis, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang karakter ni Elias na kung saan naapi nang husto sa kuwentong ito. 

Pareho silang nagpapasalamat sa magandang teamwork nila rito kasama ang production staff. Kaya isa ito sa pinaka-memorable na nagawa nila sa GMA 7.

Sa Lunes, February 18 ay ang Kara Mia na ang mapapanood sa timeslot na iniwan ng Cain at Abel.

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with