Dancer na actress din hindi na dumadaan sa mga bugaw, nanghihinayang sa nawawalang komisyon
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

Ngayon lang nalaman ng aming source na nagsasarili na pala sa paghahanap ng mga parukyanong milyonaryo ang isang magandang aktres. Dati kasi ay dumadaan pa siya sa mga Boogie Wonderland.

?Sabi ng magkakaumpukang taga-showbiz isang gabi ay maaga raw natuto ang magandang female personality, nanghihinayang kasi siya sa komisyon na kinukuha ng dyugaling, kaya solo flight na siya ngayon sa kanyang mga lakad.

?Sabi ng isang miron, “E, ang laki-laki nga naman kasi ng nawawala sa kanya sa bawat walk niya. Katawan niya ang nagagalgal, pero mas malaki pa ang nakukuha ng matchmaker, kaya ayun, nagsolo na lang siya!

?“Meron siyang mga listahan ng mga pangalan ng mga kilalang businessman, ng mga taong kilalang-kilala sa lipunan, nakuha niya ang listahang ‘yun sa isang matanda nang Boogie Wonderland na tumigil na sa pagrereto ng mga personalidad sa maya­yamang kliyente,” simulang kuwento ng aming source.

?Pero napakasimple ng female personality. Kapag narinig mo siyang magsalita ay parang wala siyang ginagawang milagro. Pino rin ang kanyang galaw, hindi mo iisiping ipinupuhunan niya ang kanyang katawan para kumita lang, napakalayo ng trabaho niya sa kanyang imahe.

?Isang source naman ang nagsabi, “Siya ang inaasahan ng pamilya niya sa probinsiya. Walang ibang pagkukunan ang family niya, siya lang talaga, kaya kapit sa patalim ang ginagawa niya.

?“Kapag kumita siya, agaran na siyang magpapadala ng datung sa pamilya niya. May pambili na ng pagkain at gamot ang mga taong sa kanya lang umaasa. At pati mga nangangailangan ng tulong sa community nila, e, tumutulong din ang girl.

?“Ganu’n kaganda ang puso niya, hindi bale nang kung sinu-sino ang nakakasiping niya, basta makatulong lang siya sa family niya. Ayaw na niyang balikan ang buhay na naranasan niya.

?“High school lang ang tinapos niya, iginapang ‘yun ng family niya, pumapasok siyang walang baon sa school. Ganu’n siya katiyaga.

?“Pero maraming nakapansin, ang galing-galing niyang kumendeng, siya ang star sa sayawan sa eskuwelahan nila, du’n siya nakilala.

?“Mula sa pagsasayaw, umarte na rin siya, panalo ang girl, maraming pumupuri sa kanya. And the rest is history,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Alden inuuna ang pagpapayaman  ‘di apektado sa pang-uurot ni Arjo

Nakahanap ng katapat ang mga nagwawarlang miyem­bro ng AlDub Nation kay Arjo Atayde. Gusto n’yo ng inisan, sabi siguro ng magaling na aktor, ibibigay ko ang hi­na­hanap n’yo.

?May pagkasutil din ang guwapong aktor dahil kung ano ang ipinanggigigil ng mga tagasuporta nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza ay ‘yun ang kanyang ibinibigay sa social media.

?Lalo tuloy siyang isinusumpa ng mga grupong ayaw ipamigay si Maine sa iba, buwisit na buwisit sila kay Arjo, na parang pinagtatawanan lang naman sila.

?Hindi na kailangan pa ng isang magaling na manghuhula para malaman ng lahat na nagkita sa Amerika sina Arjo at Maine. Bigay na bigay na ‘yun. Nakaplano na ‘yun.

?Bago pa sila umalis nang magkahiwalay ng araw ay baon na nila ang pangako na magkikita sila sa Amerika. ‘Yun ang naging bitamina nina Arjo at Maine.

?Lalong nabulabog ang mundo ng AlDub nang maglabas ng retrato si Arjo sa kanyang IG, wala siya sa frame, pero ang masayang-masayang si Maine naman ang nasa kuwadro.

?Ayaw maniwala ng mga tagasuporta ni Maine na nagkita nga sila ni Arjo, nasaan daw ang ebidensiya, hanggang wala raw resibo ay hindi pa rin sila maniniwalang nagkita nga sa Amerika ang aktor at ang kanilang idolo.

?Malalim na ang kanilang pagkakaunawaan, maligaya sila sa isa’t isa, wala nang makahaharang pa sa relasyong meron ngayon sina Arjo at Maine.

?Habang nagwawarla ang ibang miyembro ng AlDub ay tahimik lang naman si Alden Richards. Parang hindi apektado ang Pambansang Bae. Career at negosyo lang ang pinagkakaabalahan ng guwapong aktor.

ALDEN RI­CHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with