JM at Barbie
JM at Barbie
JM may gustong ipatikim kay Barbie!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2019 - 12:00am

May sariling ‘shawarma’ na si JM de Guzman.

Yup, kahapon ay pina­kilala na nga siya bilang endorser ng sikat ngayong JM  Shawarma na unang nakilala sa Visayas and Mindanao almost years now.

Dahil nga sa pagsikat nito, nakarating ito sa Manila at umabot na sila sa 250 stores nationwide.

Pero hindi dahil kapangalan niya eh ang actor na rin ang may-ari nito. Ang Barefruit Group of Companies ang nag-o-operate ng JM Sharwarma.

“Excited ako kasi sobrang sarap sa pakiramdam na mapagkatiwalaan na maging endorser ng isang brand gaya nito na dala pa ang pangalan ko,” sabi ni JM sa ginanap na media conference kahapon ng tanghali.

Tulad umano ng kanilang karanasan sa pagsisimula ng kanilang negosyo, sakto si JM dahil nga sa pinagdaanan din nito sa buhay ayon kay Ms. Hannah Miranda-Mamon, founder and chief financial officer ng Barefruit Group.

Common knowledge ang naging buhay ni JM.

Dalawang beses siyang nagpagaling sa rehab matapos ngang madala sa masamang bisyo. Pero ngayon ay ayos na ang buhay ng actor. Kaka-renew lang niya ng panibagong kontrata sa ABS-CBN at may mga naka-line up na siyang TV and movie assignments.

At ganun din ang pinagdaanan ng may-ari ng JM. Ilang beses silang nagsimula ng negosyo pero hindi nagtatagumpay hanggang simulan nga nila itong shawarma na may iba’t ibang variety.

Meron silang overload with egg, pero ang all meat ang favorite ng actor. At marami pa like tuna para sa mga health conscious.

Eh ano naman ang flavor na gusto niyang ibigay sa nababalita niyang girlfriend na si Barbie Imperial? “Yan naman tayo,” sabay tawa ni JM.

So napatikim na ba niya ang Shawarma niya kay Barbie? “Plano kong bigyan ng all meat din,” tawa pa ng actor na nang tanungin kung meron siyang ka-shawarma sa Valentine ay wala ang sagot niya.

Dahil siya na nga ang endorser, nakikipag-usap na rin siya kung magpa-franchise na rin siya nito.

Anyway, siya rin nga pala ang kumanta ng theme song ng  pelikulang Alone/Together starring Enrique Gil and Liza Soberano.

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with