^

PSN Showbiz

Edu Manzano hindi affected sa bintang na bading si Luis

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Edu Manzano hindi affected sa bintang na bading si Luis
Edu at Luis

Dumaan si Edu Manzano sa pa-advance birthday celebration ng dating Sen. Jinggoy Estrada kasama ang mga kaibigang movie press kahapon ng tanghali sa Lt. Artiaga house sa San Juan ng pamilya Estrada.

Nagpahayag si Edu ng suporta sa kandidatura ni Sen. Jinggoy at sa ka-team niyang si Janella Ejercito na tumatakbo namang Mayor ng San Juan.

Sa Makati siya noon nanungkulan at matagal na rin daw siyang nagsilbi sa naturang lungsod, at ngayon sa San Juan na siya nakatira, gusto na rin niyang magsilbi bilang Congressman na kung saan kadistrito niya sina Sen. Jinggoy at Janella.

“Kilala ako ng barangay. Si Tita Guia, 9 years nang nagsisilbi rito at ako’y kapitbahay niya,” pakli ni Edu.

Hindi rin naiwasang pag-usapan si Luis Manzano na umabot sa social media ang natanong sa kanila.

Natawa na lang si Edu nang tinanong namin tungkol sa pagpatol minsan ni Luis sa mga basher, lalo na’t pag-involved si Jessy Mendiola.

“Hindi mo naman masisi when it comes to the matters of the heart, it becomes emotional.

“Kilala ni Jessy si Luis, at kilala ko rin si Luis. Minsan goodtime lang talaga ‘yan.

“Kasi tini-text ko eh, ‘anak ano yan?

“Tapos nag-text back siya, ‘Dad, wala lang ako magawa. Wala akong taping today eh. Naggu-goodtime lang,” pahayag ni Edu.

Hindi na rin siya apektado na inaakusahang ba­ding si Luis dahil sa pagpapatol niya sa mga bashers.

“Ako nga tinawag ding gay before. Nobody is spared.

“Wala lang silang ibang maanggulo.

“I know my son, kayo rin. You know him very very well. But as a parent siyempre, you’re concerned, pero I don’t get worried because I know kayang-kaya niya,” saad pa ni Edu na tumatakbong Congressman ng San Juan.

Maraming Pinay lalong ginanahan sa Miss Universe crown

Dahil sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Ms. Universe, lalong dumarami raw ngayon ang gustong sumali sa Binibining Pilipinas para masungkit ang Binibining Pilipinas Universe.

Napag-alamang under pa rin sa Binibining Pilipinas Charities ang titulo ng Ms. Universe. Baka sa susunod na taon pa raw ito hahawakan ni dating Ilocos Go­vernor Chavit Singson.

As usual tapatan na naman ito ng dalawang nag­hahawak ng mga beauty queen na Empire ni Jonas Gaffud at ang Kagandahang Flores ni Rodgil Flores.

Karamihan sa mga gustong sumali ay matatangkad, at may foreign blood na pawang magaganda raw.

Pero ang isa raw sa balak na sumali ay si Winwyn Marquez, na nasa pangangalaga naman ni Jonas.

Si Rodgil naman ay galing sa ibang beauty competition ang mga kandidata niya ay tini-train din niya ngayon.

Hinihintay na lang daw nila ang announcement ng Binibining Pilipinas kung kailan ang screening.

Vice Ganda, ginagaya sina Boobay at Tekla?!

Ayon sa NUTAM rating, dalawang Linggo nang natatalo ng The Boobay and Tekla Show ang Gandang Gabi Vice.

May sariling survey naman ang ABS-CBN, ang Kantar Media, at panalo naman doon ang programa ni Vice Ganda.

Pero parang mas naniniwala akong natatalo sila nitong bagong programa nina Boobay at Super Tekla, dahil tila ginagaya na ito ngayon ng GGV.

Kagaya ng TBATS, may prank naman sila ngayon na ipinost nga nilang sina Enrique Gil at Liza Soberano ang nagpa-prank para promo na rin ng pelikula nilang Alone/Together.

vuukle comment

EDU MANZANO

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with