Derek
Derek Ramsay umamin sa pagpapa-rehab
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2019 - 12:00am

Nagpapagaling pa si Derek Ramsay pagkatapos niyang magkaroon ng injury dahil sa matinding training sa Frisbee at sinasabayan pa raw ng training sa golf.

Nakausap namin si Derek kamakalawa ng gabi via phone patch sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

Ikinuwento ni Derek na gusto raw sana niyang sumali sa Maharlika Pilipinas Basketball League, kaya panay ang praktis niya.

Pero gusto rin daw niyang mag-pro sa golf kaya halos araw-araw din ang training niya, at sinasabayan din niya ng training sa Frisbee.

 “I pulled some muscles in my back, and may disc bulging ako sa L1 and L5 in my spine,” bahagi ng paliwanag niya.

Mabuti na lang at hindi naman daw kailangang i-surgery at puwede na raw sa rehab, at ginagawa na niya ito ngayon sa tulong ng kanyang physical therapist.

“The first two days, sobrang sakit kaya ang taas ng pain killer…naka morphine na nga ako pero nakaramdam pa rin ako ng pain,” dagdag niyang pahayag.

Nakakatayo na raw siya, pero kailangan pa niyang magpahinga para tuluy-tuloy na ang paggaling.

Kailangan na raw niyang bumalik sa trabaho pero hindi pa rin niya idinetalye kung ano ang una niyang gagawin.

Sabi lang niya; “Babalik na ako sa TV abangan nyo na lang malapit na. Malalaman nyo na dun.”

Wala pa siyang sagot tungkol sa contract-signing sa GMA 7 pero gusto raw sana niyang kakaibang teleserye ang gagawin niya na iba sa mga nagawa niya noon.

Willie nahirapang pakalmahin ang pamilya ng namatay na contestant

Punung-puno ng energy si Willie Revillame nang nakatsikahan namin sa taping ng Wowowin nung isang gabi.

May mga pagbabago sa studio, dahil sa inayos nila ito pagkatapos ng nangyaring aksidente kamakailan lang.

Naibahagi sa amin ng Wowowin host na talagang tumutok daw sila sa dalawang matandang naaksidente doon sa studio.

Hindi na tumuloy si Willie sa taping ng birthday episode niya dahil dumiretso na siya sa hospital para bantayan yung isang matandang nasugatan at nabalian.

Halos madurog daw ang puso niya sa mga sinasabi nung matanda na nasaktan dahil ang concern pa raw nito ay ang birthday episode ni Willie.

Iyung matanda pa raw ang nag-sorry sa kanya na hindi na nakasali sa Wowowin. Suot pa raw nito ang T-shirt na may tatak na ‘Happy birthday Kuya Willie’ at meron pa raw sana siyang birthday gift sa TV host.

 “Magkikita pa nga kami uli kasi bibigyan ko siya ng konting puhunan sa  negosyo niya,” kuwento ni Willie.

Binigyan daw niya ng pera ang matandang naaksidente at sinagot ang hospitalization, lahat ng kailangan nila, at naluluha raw siya dahil itong matanda pa raw ang sorry nang sorry sa kanya.

Nahirapan si Willie siyempre sa pamilya nung isang matandang namatay sa aksidenteng iyun.

Inaasahan na raw niyang madedemanda siya, pero hinarap daw nila ang lahat na responsibilidad nila sa matandang nasawi, kahit nahirapan siyang kausapin at pakalmahin ang mga anak.

Sinagot nila ang lahat na gastusin mula sa burol hanggang sa pagpapalibing, at meron din siyang ibinigay sa pamilyang naiwan.

Hinding-hindi makakalimutan ni Willie ang maayos na pakikitungo sa kanya ng pamilya nung matandang namatay, at learning experience din daw ito sa kanilang lahat itong nangyaring aksidente.

Nagpapasalamat din si Willie sa GMA 7 dahil hindi raw talaga siya pinabayaan sa pinagdaanan nilang ito.

Mamayang hapon ay special guest ni Willie ang dating Sen. Bong Revilla na talagang pinagkaguluhan ng mga nandun, at kilig na kilig ang mga kababaihan nang makita siya.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with