Jolo at Angelica
Jolo inalagaan ng dyowang beauty queen nang magka-pneumonia!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2019 - 12:00am

Ngiti lang ang sagot sa akin ng Ca­vite Vice Governor Jolo Revilla nang tinanong ko kung sila na ba ng beauty queen na si Angelica Alita.

Naging second runner-up sa Binibining Pilipinas 2016 si Angelica, at nakilala ko siya nung sila pa ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Poe.

Kasama na siya ni Jolo nung nag-file sila ng candidacy ng papa niyang si Sen. Bong Revilla.

Kinulit-kulit ko si Jolo kung sila na ba ng naturang beauty queen, pero ayaw niya talagang sumagot, at ngumingiti lang ito.

Naalala ko lang nung nag-break sila ni Jodi Sta. Maria, sinabi niyang kung sakaling pumasok siya sa panibagong relasyon, mas gusto raw niyang tahimik na lang. Kaya ayaw na niya ako ngayon sagutin.

Kalalabas lang pala ni Jolo ng St. Luke’s Global dahil nagka-pneumonia pala siya.

Halos sabay daw sila ng Mama niya, si Mayor Lani Mercado-Revilla na na-hospitalize dahil din sa pneumonia.

“Pati si Daddy (dating Sen. Ramon Revilla Sr.), nagka-pneumonia rin, halos sabay-sabay kami,” bulalas ni Jolo.

Sumasama si Jolo sa mga out of town na pag-iikot ni Sen. Bong. Maaaring hindi raw nakayanan ng katawan niya kaya nagkasakit na ito.

Tinanong uli namin si Jolo, kung si Angelica ba ang nag-alaga sa kanya sa hospital. Ngiti lang uli ang sagot niya.

Joko pinapayagang rumaket ni Cong. Vi

Puring-puri ni Joko Diaz ang boss niyang si Cong. Vilma Santos dahil pinapayagan daw siyang rumaket sa shooting o taping dahil naintindihan daw nito na gusto pa rin niyang mag-artista.

Matagal na ring nagtatrabaho si Joko sa tanggapan ni Cong. Vi sa Kongreso, pero nakakasingit itong makapag-shooting o taping dahil artista pa rin naman daw siya.

Kasama si Joko sa pelikulang Bato: The Movie na magsu-showing na sa January 30, at pinayagan naman daw siyang mag-shooting at tumulong sa promo ng pelikula.

“Si Ma’am pa, napakaluwag nun. Ibang klaseng boss yun.

“Unconditional si Ma’am pag naging bata ka niya,” pakli ni Joko nang nakatsikahan namin sa presscon ng Bato: The Movie.

Naintindihan naman daw kasi ni Cong. Vi na mas malaki ang kita ng isang artista kesa sa nagtatrabaho sa kanya.

“Yun naman ang laging sinasabi niya eh, ‘hindi ko maibigay sa inyo ang langit at lupa, pero nandidito lang ako.  Iyun ang importante, parang ina mo na siya eh,” saad ni Joko.

Pagdating naman daw sa trabaho ay istrikto raw si Cong. Vi talaga.

“Pagdating dun sa trabaho, istrikto yun. Kapag sinasabi niyang ganito, ganito talaga ang gagawin mo,” sabi ng aktor.

Kaya naman tinitiyak nilang maayos ang trabaho nila para di ma-disappoint si Cong. Vi.

Derek ipa-partner kay Kim Domingo

Next month na pala ang airing ng Kara Mia na kung saan makikipagtagisan sa matinding aktingan ang dalawang bidang sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Ilang acting awards na rin ang natanggap ni Barbie, pero hindi rin pahuhuli si Mika dahil nung bagets pa lang siya, umani na rin siya ng acting awards mula sa PMPC, Gawad PASADO at Dangal ng Pilipinas awards.

Nasa iisang katawan ang mukha nila pero magkaiba ang ugali. Mabait si Barbie, samantalang inggitera at may pagkakontrabida rito si Mika.

Kaya isa ito sa aabangan sa pagsisimula nito sa February sa GMA Telebabad.

Samantala, marami pang naka-line up na drama series ang GMA 7, na hindi lang daw sila sure kung kay Derek Ramsay na ba ang isa run.

Hindi pa kasi sumasagot si Jojie Dingcong kung kailan na ang contract-signing, pero ang nakarating na kuwento sa amin, si Kim Domingo raw ang unang makaka-partner ni Derek sa isang bagong drama series.

JOLO REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with