^

PSN Showbiz

Vice hindi pa nakaka-move on sa huling karelasyon

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Vice hindi pa nakaka-move on sa huling karelasyon
Vice

SEEN: Ang pag-amin ni Vice Ganda na hindi pa siya nakaka-move on mula sa paghihiwalay nila ng isang dating karelas­yon na minahal niya nang sobra. Napagkasunduan ni Vice at ng lalake na hindi niya pinangalanan na i-block  ang isa’t isa sa social media  para hindi na nila masubaybayan ang mga nangyayari sa kanilang mga buhay.

SCENE: Si Efren Reyes Jr. ang gumanap na Rodrigo Duterte sa isinasapelikula na life story ni former PNP Chief Ro­nald “Bato” Dela Rosa na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

SEEN: Ipapalabas sa mga sinehan ang Bato Dela Rosa movie bago magsimula ang kampanya ng mga kakandidato na senador sa midterm elections sa May 2019. Senatorial candidate ng PDP-Laban si Bato dela Rosa.

SCENE: Pinatay na ang karakter ni Ryza Cenon sa Ang Probinsyano noong Lunes dahil kasama siya sa cast ng The General’s Daughter na nagsimula na mapanood sa ABS-CBN noong Lunes.

SEEN: Hindi nagpaawat si Gretchen Barretto dahil may sagot siya sa denial ng abogado ni Kris Aquino na tinulungan nito na mabawasan ang buwis na ibabayad ng businesswoman na si Alice Eduardo noong si Noynoy Aquino ang presidente ng Pilipinas. Queen of All Fixers ang “title” na ibinigay ni Gretchen kay Kris.

SCENE: Ibinulgar ni Gretchen Barretto ang impormasyon na nakaabot sa kaalaman niya, ang diumano’y pagtawag ni Kris Aquino sa kanyang kapatid na si Claudine:

“And what’s this I heard from inside her camp? She called up Claudine to tell my parents that she will file a case against me & put me to jail and asked them for help in destroying me. What is this, a tag team wrestling match? Can’t a ‘Queen’ handle it herself?”

SEEN: Love You Two ang pamagat ng romance comedy television series nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado. Si Irene Villamor, ang writer at direktor ng Sid & Aya: Not a Love Story ang direktor ng Gabby-Jennylyn television project.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with