^

PSN Showbiz

Mommy D., may sakit, di nakalipad ng Vegas

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mommy D., may sakit, di nakalipad ng Vegas
Mommy D.

MANILA, Philippines — May sakit pala si Mommy Dio­nisia Pacquiao kaya wala siya rito sa Las Vegas para sa laban ni Sen. Manny Pacquiao kay Adrien Broner ngayong umaga, Manila time, Sabado ng gabi sa Las Vegas.

Kaya walang amiga niya ang nagkalat sa MGM Grand Vegas. 

Pero sure naman daw na makakarating dito ang ‘powers ng dasal’ ng sikat na nanay ni Pacman.

Pag kasi present sa laban si Mommy D., ramdam sa paligid dahil nga sa friends niyang kasama at siyempre ng boyfriend niyang mas bata sa kanya. 

Ganunpaman, excited na ang mga Pinoy sa laban ni Pambansang Kamao para sa WBA Welterweight title. Ngayon pa lang, usap-usapan na sa social media ang laban na ito kaya naman may kanya-kanya na silang pa-countdown, ha!  Kahit nga sa Las Vegas ito magaganap, thankful ang karamihan dahil masasaksihan pa rin nila ang laban sa GMA-7 simula 10 ng umaga at maging sa iba pang Channel.

May mga kakilala akong pumusta pero hindi masyadong malaki. 

vuukle comment

ADRIEN BRONER

MOMMY DIO­NISIA PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with