Shooting na kaya ng Crazy Rich..? Heart isang buwang magta-trabaho sa China!

MANILA, Philippines — Isang buwan palang mamalagi sa China si Heart Evangelista. Pero walang nakakaalam kung anong ginagawa niya sa nasabing bansa.

Ito na kaya ang sagot sa sinasabi niyang major secret? Kahapon ay nag-post habang umiinom siya ng kape at parang nagka-hint ang iba kung anong ginagawa niya. “Wherever I am in the world, my love for coffee will never change. Enjoying the chilly weather here in China. Time to mentally prepare myself for the busy days ahead!”

Duda nila baka nagso-shooting ito ng pelikula.

Ito na nga kaya ang sequel ng Crazy Rich Asians?

Nauna na niyang sinabi habang nakalagay sa plane na : “As I looked out my window today, I felt an overwhelming sense of gratitude. Here I am about to embark on an adventure like no other and I couldn’t be more excited.”

Show comments