Pagdidirek ng pelikula ayos na, Nash hindi na nabo-bore sa career
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2019 - 12:00am

Malaki ang naitulong ng pagiging aktor ni Nash Aguas sa hilig nito sa pagdidirek. Kahit kumukuha pa lamang ngayon ng kursong AB Film ay nakagawa na rin ng ilang proyekto ang binata bilang isang direktor. “Gumawa kami ng indie film, Resbak, ‘Oh Nash, ano sa tingin mong magandang shot dito?’ Ang sarap ng feeling na hinihingi ang payo mo ng isang magaling na direktor (Toto Natividad). Tapos sabi ko i-try ko nga, gusto kong pag-aralan. Sa The Good Son pinagdirek ako ni direk Andoy (Ranay) ng dalawang eksena. Tapos si direk Manny (Palo) pinagdirek din ako ng isang insert, iba ‘yung satisfaction,” pagbabahagi ni Nash.

 

Para sa aktor ay mas napabuti pa niya ngayon ang pag-arte sa harap ng kamera mula nang magkaroon siya ng hilig sa pagdidirek. “Dati binabasa ko lang ‘yung part ko sa script. Kasi feeling ko as an actor mas okay na ‘yon kasi nagpo-portray ka ng totoong buhay sa script. Hindi mo naman dapat alam ‘yung nangyayari unless alam ng character mo. ‘Pag binabasa mo ‘yung buong script, nalalaman mo ‘yung nangyayari kahit hindi alam ng character mo.

“Na-realize ko na ‘pag director ka kasi, may mga tipo ng pag-arte na nakaka-benefit do’n sa theme ng mismong pelikula. Ang hirap i-explain, nakikita ko na siya as a whole. Hindi lang as my character kundi dalawang perspective na paano mo matutulungan ‘yung director namin na iparamdam ‘yung gano’ng emotion,” paliwanag ni Nash.

Sa ngayon ay plano ng dating child star na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Amerika. “Ang original plan after AB Film, mag-flight school ako. Kasi gusto ko maging piloto. Ngayon parang hindi kasi ako mabo-bore dito sa industry na ‘to. So parang gusto ko mag-New York Film Academy, and abangan n’yo ‘yung ididirek ko sa T-Rex Entertainment. May pinag-meeting-an kasi kami,” pagtatapos niya.

Ricci time out muna sa acting

Abot-abot ang pasasalamat ni Ricci Rivero dahil nasubukan na niya ang pagiging artista na noon pa pinapangarap. Napabilang ang basketbolista sa pelikulang Otlum na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018.

“Sobrang thankful ako sa mga nanood not just me but the whole cast and the whole production,” nakangiting bungad ni Ricci.

Ngayong taon ay mukhang mahihirapan ang binata na ipagpatuloy ang pagiging aktor dahil magiging abala nang muli sa paglalaro ng basketball. “I think sobrang liit na lang ng chance na magkaroon. Kasi pa-start na ulit ang UAAP. Kailangan ko mag-prepare and that’s my number one priority talaga, basketball. As of now hindi ko pa sigurado talaga,” pagtatapat ni Ricci.

NASH AGUAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with