^

PSN Showbiz

‘Pay Forward, Kung Anong Meron Ka I-Share Mo’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Pay Forward, Kung Anong Meron Ka I-Share Mo�
Dennis

Kaloka na hindi pa sanay isulat ang 2018 ito at bago na ang isusulat mo, 2019 na. Sobrang bilis ng takbo ng buhay kaya dapat do what you want to do, live your life the way you want it and throw away things that burden you.

Life is too fast, too short, dapat mas marami ang happy memories kesa regrets. Kapag mabigat ang buhay mo, mabagal ang usad, marami ang lalagpas na ligaya na hindi mo matitikman.

So, enjoy life, enjoy your friends, enjoy it while it last. Huwag ‘yung laging may ‘If’ sa buhay, kung la­ging may tanong, sa kahahanap mo ng sagot, babagal ang usad ng buhay mo.

So sa buhay natin, basta wala kang sinaktan, ­inag­rabyado, tuloy-tuloy lang ang buhay. Hayaan natin na ang unang responsibilidad na dapat natin gawin eh ang unahin ang sarili natin kasi kung hindi tayo maligaya paano natin paliligayahin ang ibang tao, kung miserable tayo paano natin gagawin  na magaan sa iba?

Dapat ang sarili natin ang maging benchmark. Happy ba ako? Mabuti ba ako? Kapag oo ang sagot mo, ’yun din ang magagawa mo sa iba.

Pay forward, whatever you have, i-share mo. Kung ano ang ginawa sa iyo, ibigay mo rin sa iba para kahit short ang buhay mo, meaningful naman.

Dapat people will always remember you with fondness, with a smile. Happy New Year to all!!!

Mga pelikula sa 2019, nakalinya na

Nakakatuwa naman na nakalinya na ang mga pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa mga buwan ng 2019. Ang ibig sabihin, marami pa rin ang mga movie producer na gumagawa ng pelikula dahil marami ang nanonood.

Natutuwa ako kapag nababalitaan ko na masipag mag-produce ng mga pelikula ang mga malalaki at maliliit na movie companies dahil nangangahulugan ito na masigla ang local movie industry.

Sana lang, tangkilikin ng mga Pilipino ang mga Tagalog movie tulad nang pagtangkilik nila sa Hollywood films para lalong ganahan na gumawa ng mga pelikula ang mga local film producers.

Ang Regal Entertainment Inc. nga, lima agad ang pelikula na ipapalabas sa 2019, ang Elise, Mina-Anud, Time & Again, Ang Henerasyong Sumuko sa Love at Stranded.

Hindi pa kasama sa listahan ang pelikula ni Maricel Soriano na pagbibidahan nila ni Susan Roces.

Ang maganda sa movie company ni Mother Lily at Roselle Monteverde, binibigyan nila ng big break sa pelikula ang mga baguhan na artista.

Ang Regal ang nagbigay ng big break kina Dennis Trillo, Lovi Poe, Carla Abellana, Janella Salvador, Jameson Blake, Christian Bables at ibang mga dating “the who” na may name na ngayon sa showbiz.

Para sa 2019, sangkaterba na naman ang mga baguhan na binigyan nina Mother at Roselle ng film assignments. Siyempre, tuwang-tuwa ang mga newcomer at aspiring stars dahil ang feeling nila, kumpleto na ang kanilang pagiging artista dahil nakagawa na sila ng pelikula sa Regal.

vuukle comment

2019 MOVIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with