Orange dress... isasali na lang sa International Filmfest!

Jessy

MANILA, Philippines — Hindi lang ang One Great Love ang nag-aapela ng dagdag na sinehan (na nadagdagan na kahapon). Maging ang pelikulang The Girl in the Orange Dress ay nanawagan din na magkaroon sila ng additional theaters.

Parehong maraming natatanggap na positive reviews ang dalawang pelikula  kaya may demand na mapanood pa sila sa marami-raming sinehan sa ginaganap na 44th MMFF. May US screening na naka-schedule ang pinagbibidahang pelikula nina Jericho Rosales and Jessy Mendiola at na-invite na raw sa international film festival.

Ibinalik naman sa ilang sinehan ang Rainbow’s Sunset matapos nga itong maghakot ng awards sa Gabi ng Parangal last Thursday night kaya inaasahang pipik-up ito kahit papaano.

Anyway, malamang nakaapekto sa mga manonood ng sine ang bad weather - typhoon  Usman. Malamig at umuulan pa kaya siguro maraming tinatamad manood ng sine at gumastos pa.

Show comments