May Scoliosis, Catriona umaaray sa sakit bago na-perfect ang slow-mo

Catriona

May scoliosis pala si  Miss Universe 2018 Catriona Gray.

At kung akala natin, madali lang ang ginawa niyang  slow mo turn twirl, pinaghirapan niya palang i-perfect ‘yun dahil nga sa iniindang sakit sa likod.

Sa interview ni Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves na nagsilbing isa sa mga mentor ng bagong Miss Universe sa Tonight with Boy Abunda the other night, sinabi nito ang hirap nang pinagdaanan nito.

Dagdag pa niya : “Kasi ‘yung posture pa lang na you’re going to pull yourself para straight na straight ‘yung body mo and you get the curves, ang hirap para sa kanya.”

Talaga raw umiiyak ito sa sobrang sakit.

Pero hindi na-obvious na may ganun pala siyang iniinda.

Ang nasabing slow-mo pa nga ang nagbigay ng mas malakas na impact sa kanyang naging journey sa Miss Universe.

Show comments