Catriona mawawalay sa bf ng isang taon!

Gloria ,Margie, Pia, Catriona

Tinutukan ng sambayanang Filipino ang 2018 Miss Universe na ginanap sa Impact Arena, Muang Thong Thani sa Bangkok, Thailand kung saan naging kinatawan ng Pilipinas ang Fil-Australian beauty na si Catriona Gray na siyang tinanghal at kinoronahang Miss Universe 2018.

Marami man ang na-disappoint nang hindi si Catriona ang tanghaling Miss World in 2016 at pumasok lamang siya sa Top 5, may mas maganda palang naghihintay para sa kanya.

Sa simula pa lamang ng journey ni Catriona sa Miss Universe pageant ay kinakitaan na siya ng confidence at ito’y nagtuluy-tuloy hanggang sa final day kahapon, December 17, sa coronation day mismo.

Nang pumasok si Catriona sa Top 20 na kinabilangan din ng South Africa, Nepal, Vietnam, Thailand, Poland, Belgium, Great Britain, Hungary, Puerto Rico, Jamaica, USA, Venezuela, Indonesia, Brazil at Australia ay sobra na ang pagbubunyi ng mga Filipino hindi lamang sa Pilipinas kundi maging ang mga Pinoy sa loob ng Impact Arena in Bangkok at iba pang mga Pinoy from all over the world.

Mula sa Top 20, ito na-trim down to Top 10 at muling pumasok ang Pilipinas kasama ang South Africa, Vietnam, Venezuela, Costa Rica, Nepal, Canada, Thailand at Puerto Rico.  Mula sa sampu, pinili ang Top 5 at muling pumasok ang Pilipinas kasama ang Vietnam, Puerto Rico, South Africa at Venezuela.  At mula naman sa Top 5 ay sinala ang Top 3 winners na kinabibilangan ng Pilipinas, South Africa at Venezuela.  Unang tinawag ang 2nd runner-up winner na si Miss Vanezuela at kasunod na rito ang pag-announce sa pangalan ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018 making Miss South Africa as the 1st runner-up winner.

Ang dating beauty queen-turned actress na si Gloria Diaz ang kauna-unahang Filipina Miss Universe in 1969 na sinundan ni Margie Moran in 1973. Ito ang naging daan para rito sa Pilipinas ganapin ang 1974 Miss Universe sa makasaysayang Folk Arts Theater na ipinatayo ng dating Unang Ginang na si Imelda Romualdez-Marcos in 77 days.

It took 45 years bago muling nasungkit ng Pilipinas ang Miss Universe crown in 2015 sa pamamagitan ni Pia Wurtzbach na naulit sa pamamagitan ni Catriona  ngayong 2018.

Masayang-masaya at very proud ang boyfriend ni Catriona of more than five years, ang Fil-German model-actor na si Clint Bondad sa panalo ng kasintahan pero ma­ngangahulugan naman ito ng kanilang pagkakawalay sa loob ng isang taon dahil mananatili sa New York City, USA si Catriona during her one year reign bilang Miss Universe.

Bukod kay Clint, dumalo rin sa coronation day ang parents ni Catriona, her close friends at marami ring Filipino ang dumayo ng Bangkok para lamang ipakita ang kanilang suporta sa kinatawan ng Pilipinas.

Ang panalo ni Catriona ay panalo rin ng buong Pilipinas at ng mga Filipino in general.

Show comments