^

PSN Showbiz

Sharon umiiwas munang pag-usapan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sharon umiiwas munang pag-usapan!
Sharon

Kuwento ng isang kaibigan, nakakatakot daw talaga ang bahay na pinagsyutingan nina Sharon Cuneta sa Baguio. Ito yung horror movie na ginagawa niya ngayon under Reality Films at dinidirek ni direk Erik Matti.

Nagtanong kami sa ilang taga-Reality Films tungkol sa film project na ito ni Sharon pero ayaw muna nilang magbigay ng detalye dahil matagal-tagal pa raw ito isu-showing at mas gusto nila na tahimik lang muna at umiwas sa publicity.

Ang nasagap lang namin, Kuwaresma raw ang tentative title at kasama niya rito na gumaganap na asawa ay si John Arcilla. Pero nag-i-enjoy daw si Sharon na katrabaho si direk Erik dahil bagong atake at kakaibang experience raw sa kanya bilang aktres.

May mga bagong mukhang kasama si Sharon sa pelikulang ito na magagaling naman daw kahit baguhan sila.

Mga talent  ito ng Reality Films ni Dondon Monteverde na ilu-launch nila sa film project na ito.

Jobert tuloy ang laban kay Erik

Napag-alamang tuluy-tuloy pa rin pala ang hearing ng Cyber Libel na isinampa nina Erik Santos kasama ang manager nitong si Erickson Raymundo ng Cornerstone laban kay Jobert Sucaldito.

Nakorner namin kamakailan lang si Jobert at nabanggit niya sa aming may hearing pa siya kinabukasan.

Wala na siyang komento pagdating sa kaso dahil dinidinig na ito, kaya ayaw na niyang magsalita. Pero nakakapagod na rin daw ang gumigising ka nang maaga para dumalo sa hearing.

Ayaw kaming sagutin ni Jobert kung totoong open na raw si Erik na makipag-areglo. Hindi lang ako sure kung okay si Erickson. Pero ang wish lang ni Jobert ngayong Pasko ay matapos na ito, dahil ang hirap din naman talaga ng may hinaharap kang kaso.

Pero tuloy pa rin ang trabaho ni Jobert bilang ta­lent manager at radio host. Masaya siya sa buhay niya dahil nandiyan pa rin daw ang close friends niya na patuloy na sumusuporta sa kanya.

In fairness, ang dami pa ring sponsors ni Jobert sa mga project niya kagaya nitong concert ng alaga niyang si Kiel Alo tampok sa It Takes Two to Tango concert mamayang gabi sa Teatrino kasama ang magaling ding baguhang singer na si Macoy Mendoza.

Special guests nila rito sina Imelda Papin at Faith Cuneta.

Dennis naghahanda pa sa future nila ni Jennylyn

Si Mother Lily Monteverde na mismo ang nag-alok ng sarili na magni-ninang siya sa kasal nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Pero matagal pa raw iyun sabi ni Dennis nung nakatsikahan namin sa mediacon ng Metro Manila Film Festival entry nilang One Great Love.

“Definitely, hindi sa 2019. Siyempre, sa stage na to nagpi-prepare pa kami para sa future dahil hindi naman puwedeng biglain kailangan pag mag-step ka na dun sa the next level, kailangan maayos na lahat,” pakli ni Dennis.

Pero kinikilig si Dennis nang kinuwento namin sa kanya na galing na galing si Jennylyn sa kanya sa Cain at Abel.

Kinukuwento ni Jennylyn na talagang sinusubaybayan niya ang Cain at Abel, at proud na proud daw siya kay Dennis dahil magaling siya bilang si Elias.

Thankful si Dennis dahil maganda ang bigayan nila ni Dingdong Dantes sa mga eksenang pinagsamahan nilang dalawa.

Wala raw talagang sapawan, at puring-puri ng Kapuso Drama King ang professionalism ni Dingdong.

Ang isa pang nakakatuwa sa kanila, mismong si Coco Martin ay nagla-like sa mga post niya tungkol sa Cain at Abel.

“Dapat naman talaga ganun. Hindi porke’t nasa magkaibang network kayo o magkatapat ang show namin, kailangan naming magkaroon ng feud sa isa’t-isa.”

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with