^

PSN Showbiz

Kim hindi trying hard!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim hindi trying hard!
Kim

Isa sa mga pinaka-cute na artis­ta para sa akin si Kim Chiu Mama Salve. Petite siya at mukhang bata pero may sex appeal at sensual ang dating.

Type ko rin ang pagiging bungisngis ni Kim with matching baby talk. Gusto ko rin ang acting na hindi ­trying hard at hindi ma­ingay, tulad nang na­papanood natin sa trailer ng One Great Love, ang pelikula niya na kasali sa Metro Manila Film Festival 2018.

Suwabe ang pag-arte ni Kim, nakakakilig siya sa mga kilig movie niya, mahusay siya na magpakita ng takot sa kanyang mga horror movie at sa drama naman, nakakaapekto ang acting niya.

Kaya madaling sabihin na magtatagal si Kim sa showbiz dahil talented siya at wala tayong naririnig o nababalitaan na mga kapalpakan niya.

Coco marunong magpasalamat!

Nag-comment si Coco Martin sa Instagram post ko tungkol sa kanya na hindi raw nabanggit ang name niya nang mag-promote si Maine Mendoza ng pelikula nilang Puliscredibles.

Grabeng bashing ang natanggap ko mula sa fans ni Maine dahil sa nasabing post pero natawa na lang ako dahil yung iba, hindi naintindihan ang ibig kong sabihin. Binigyan nila ng ibang kahulugan ang mga pralala ko tungkol sa idol nila.

Wish ko lang, huwag nang pagtalunan ang mga emote ko as in magrespetuhan na lang tayo ng opinyon. Basta ang mahalaga, kumita sa takilya ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, ang official entry nina Coco, Vic Sotto at Maine sa Metro Manila Film Festival sa December 25.

 “Nay, okey lang po yon at naiintindihan ko po, sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas sakin ng pintuan lalo na po si Sir Joey Abacan, napakabait po nila sakin kaya wala pong problema sakin yon at kahit kailan hindi ako magtatampo sa kanila.

“Masaya na ako na natupad ko ang pangarap ko na makatrabaho po si Bossing at ganun din po si Maine,” ang very humble na comment ni Coco.

Pia hindi pinalampas ang star

Congrats kay Chito Roño at sa kanyang anak-anakan na si Vhong Navarro na magkasabay na binigyan ng bituin sa Walk of Fame sa Eastwood Libis noong Lunes.

Not feeling well si Chito na nakasabay sa Bambbi Fuentes Salon kahapon pero dumalo pa rin siya sa unveiling ng kanyang star dahil ma­hirap palampasin ang malaking karangalan na ipinagkaloob sa kanya ng pamilya ni German Moreno.

Awardee rin sina Manay Marichu Vera Perez Maceda at ang kanyang pumanaw na ama, ang star builder at Sampaguita Pictures producer na si Dr. Jose Perez.

Umapir din si Pia Wurtzbach na may sarili nang star sa Walk of Fame.

Noong December 7 ang 42nd birthday ni Derek Ramsay at perfect gift ang pagkakaroon niya ng space sa Walk of Fame. Kasama ni Derek sa unveiling ng kanyang star ang girlfriend niya na si Joanne Villablanca. Malakas ang kutob ko na si Joanne na talaga ang girl na pakakasalan ni Derek dahil very compatible sila.

Hindi natuloy ang pagbibigay kay James Reid ng star sa Walk of Fame dahil nasa Australia pa siya.

Ang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno ang punong-abala sa Walk of Fame dahil siya ang nagpatuloy ng naiwan na legacy ng tatay niya.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with