^

PSN Showbiz

Anne pang-Best Actress ang pananakot!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Anne pang-Best Actress ang pananakot!
Anne

Sabi ni direk Yam Laranas, karapat dapat si Anne Curtis manalo ng best actress sa kanyang role sa isang film para sa Metro Manila Film Festival 2018. Habang ang halos lahat ng entry ay may mahabang linya ng mga artista sa cast, itatawid ni Anne ng mag-isa ang nakakatakot na movie niyang Aurora mula sa simula hanggang sa katapusan.

Opening number ng ASAP walang makakatalo!

Pagdating tala­ga sa opening number wa­lang maaring tumalo sa bagong ASAP Natin ‘To. Paano mo tatalunin ang siguro ay matagal na pinaghandaang mga number nina Sarah Ge­ro­nimo, Piolo Pascual, Erik Santos, Martin Nie­vera, Ogie Alcasid, Darren Espanto, Inigo Pascual, Gary V., Regine Ve­las­quez-Alcasid, TNT Boys at Billy Crawford. Yes, nasa ASAP na ang matagal nang nawawalang host ng It’s Showtime na ipinaghihimutok ng marami niyang followers dahil magaling na siyang host ay isa pa rin siyang performer. Unlike his bff Luis Manzano nagtapos na ang mga hosting jobs niya sa Your Face Sounds Familiar, Little Big Shots at hindi pa nagbabalik ang Pilipinas Got Talent. Natuwa lang ang mga followers niya na malaman na uupo siyang judge sa World of Dance Philippines. At ngayon, heto siya kasama na rin sa bagong ASAP.

Mga Pinay walang suwerte ngayon sa international beauty pageants!

Senyales ba ang hindi magagandang resulta sa mga international beauty pageant na sinalihan ng marami nating Miss Philippines ang kahihinatnan ni Binibining Pilipinas Universe Catriona Gray sa gaganaping Miss Universe sa Thailand sa December 17? Huwag naman sana dahil marami ang umaasam ng panalo mula kay Catriona, isa na marahil sa pinaka-popular na beauty contest winner si Catriona. Maraming representative natin this year ang hindi man lamang umabot sa Top 6, may isa pa nga na hindi nakasama sa Top 30. Pero, bago siya may nag-1st runner-up naman.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with