Bimby
Kris ayaw talagang pahawakin ng bola si Bimby!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2018 - 12:00am

Kahit anong dahilan ang ibigay ni Kris Aquino, paniniwalaan ng lahat na kaya ayaw niyang paglaruin ng basketball ang bunso niyang si Bimby ay dahil sa ama nitong si James Yap.

Pero, sa totoo lamang ayaw niya ng basketball dahil malaki ang posibilidad na masaktan ang anak niya ng mga kalaro nito at kapag nangyari ito ay baka makagawa siya ng bagay na pagsisisihan niya at ikawala ng mga endorsement niya. Swimming ang gusto ni Kris na i-pursue ni Bimby dahil malayo sa disgras­ya, hindi ito masasaktan ng mga kalaro niya dahil may kanya kanya silang lane na gagalawan. Paboritong sport din ito ng panganay niyang si Joshua.

Arjo at Ria lumaban sa mga nagmimina

Sina Arjo at Ria Atayde ang mga star na gaganap sa episode ng Maalaala Mo Kaya bukas ng gabi. Hindi lamang ang kuwento ang magugustuhan ng manonood dahil napapanahon, tungkol sa epekto ng pagmimina sa kalikasan kundi lalo na ang kagandahan ng Sibuyan na kung saan kinunan ang episode. 

Mapapanood ang problemang kinaharap nina Armin at Rosedel na ginampanan ng magkapatid na hindi pumayag na masira ang kagandahan ng kanilang lugar dahil sa ginawang pagmimina dito. Napatay ang character ni Arjo pero, nagawang ipagpatuloy ng kapatid niyang babae ang krusada nila para mapa­ngalagaan ang kanilang lugar.

Patuloy si Rosedel sa kanyang gawain hanggang ngayon. Napaalis na nila ng ka-probinsiya niya ang mining company na sinundan na rin ng mga kalapit nilang isla. Naipahuli na rin ang pumatay sa kanyang kapatid. Isang volunteer ng Lingkod Kapamilya si Rosedel na ang istorya ay sinulat ni Jaymar Santos Castro, sa direksyon ni Giselle Andres.

Arjo panggulat ni Maine?

Kahapon ginanap ang mediacon para sa Jack Em Popoy, pinakahuli sa walong movie na nagpa-presscon at hindi ipinagdamot sa maraming media na tulad nang ginawa ng walong MMFF 2018 sa kanilang mga presscon. Masa­yang in-adjust ni Coco Martin ang kanyang schedule para present siya sa event na ginanap makatapos ang Eat Bulaga.

Kung in-adjust ni Coco ang kanyang sked for the film, in-adjust din ni Vic Sotto ng kanyang tipo ng pagpapatawa para  magswak sila ni Coco. Ang resulta ay isang nakakatawang panoorin na tulad ng nakikita sa mga trailer na ipinalalabas para sa Jack Em Popoy.

Hanggang ngayon ay ma­rami pa rin ang nagtatanong kung sina Coco ba at Maine Mendoza ang partners sa movie. O baka sina Maine naman at Arjo Atayde? Sa mga eksena na nakitang magkasama sina Maine at Coco ay nakitang mayro’n naman silang chemistry.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with