^

PSN Showbiz

Paulo handa na uli sa trabaho!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Paulo handa na uli sa trabaho!
Paulo

Ganadong muli magtrabaho ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino ngayong nakapag-recharge na siya matapos niyang gawin ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral at ang afternoon TV series na Asintado.

Sa pagpasok ng taong 2019 ay sisimulan niya ang taon ng bago niyang TV series, ang The General’s Daughter na pinangungunahan ni Angel Locsin kasama sina JC de Vera, Ryza Cenon at Arjo Atayde.

Kasama rin sa cast sina Maricel Soriano, Albert Martinez, Eula Valdez, Janice de Belen, Tirso Cruz III, Eric Quizon, Louise de los Reyes, Kim Molina, Polo Ravales, Lexi Fernandez, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Art Acuna at Cholo Barretto.

First time ni Paulo na makatrabaho si Angel na tulad niya ay nagsimula sa Kapuso network bago naging Kapamilya.

Si Paulo ay may 8-year-old son sa Kapuso actress na si LJ Reyes na si Ethan Akio. Masaya rin ang lovelife ngayon ni Paulo dahil nariyan ang kanyang Filipina-Australian model girlfriend na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Brian maligaya sa piling ng misis na pinay

Isa sa mga dahilan kung bakit espesyal sa 49 years old American top R&B singer-composer, musician, record producer and actor na si Brian McKnight ang Pilipinas at ang mga Filipino ay dahil Filipina ang kanyang bagong wife, si Dr. Leilani Mendoza na ang pamilya ay nagmula sa Plaridel, Bulacan. Bukod dito ay hanga rin siya sa husay ng Filipino singers-performers. In the past, he had a chance to work with the country’s top singers-performers tulad nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Kyla at iba pa.

Taong 2014 ay nagsimulang mag-date sina Brian at Leilani at nung May 2017 ay in-announced nila ang kanilang engagement. Nagpakasal naman ang dalawa nung December 29, 2017.

Jericho mas kilalang Lino

Kahit saan mapunta ngayon ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales ay tinatawag siyang Lino, ang character na kanyang ginagampanan sa hit primetime TV series na Halik kung saan niya mga kabituin sina Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion.

Pero sa darating na Metro Manila Film Festival, ibang papel naman ang ginampanan ni Jericho sa movie nila ni Jessy Mendiola, ang The Girl in the Orange Dress mula sa panulat at direksiyon ni Jay Abella under Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions. Ang nasabing pelikula ay isa sa walong kalahok sa MMFF na magsisimula ngayong December 25, araw ng Pasko.

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with