Kim binawalan nang i-display ang bf

Kim

Binawalan na si Kim Domingo na i-display nang i-display ang boyfriend niyang basketball player na hindi masyadong kilala.

Kaya lang kahit anong bawal daw hindi sumusunod ang nasabing BF ni Kim na si Michael Acuña. Post pa rin daw ito nang post ng photos nila ng Kapuso sexy actress.

Eh ang GMA na raw ang nagbawal kay Kim na wag silang maging visible sa social media bilang sexy ang image niya.

Anyway, kasama si Kim sa inaayos na new afternoon series with Jason Abalos ng GMA 7.

Nominado rin siya sa The 100 Most Beautiful Faces of 2018 at  kasama siya sa inihandang pasabog sa telemovie special ng Bubble Gang na ipalalabas na tomorrow, November 23.

At magkakaroon pa raw si Kim ng pelikula.

Kaya tama lang nga naman na ‘wag muna niyang tutukan ang boyfriend.

Show comments