Panganay na anak ni Tirso Cruz namatay sa cancer

Marami sa showbiz ang apektado sa pagkalat ng balitang pumanaw na ang anak nina Tirso Cruz III at Lynn Cruz na si Teejay Cruz.

As of presstime, wala pa kaming nakuhang kumpirmasyon kina Tirso, kaya wala pa kaming buong detalye.

Nabasa lang namin sa post ni Sunshine Cruz sa kanyang Facebook account na nagpaalam na siya sa kanyang pinsang si Teejay.

Pero nang muli naming binuksan, hindi na namin ito nakita.

Nag-post din si Manay Lolit Solis ng mensahe ng pakikiramay kina Tirso at Lynn.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, ilang buwan na raw na nakaratay si Teejay dahil sa sakit na Lymphatic cancer. Pero tahimik lang ang buong pamilya.

Nung nakaraang buwan pa namin nakita sa post ni Lynn sa kanyang Instagram account na binati si Teejay na nagdiwang ng kanyang 37th birthday nung October 22.

Nakasaad sa post na iyun na tandang-tanda pa ni Lynn na eksaktong 8:41 ng umaga nung October 22, 1981 nang isilang niya si Teejay.

Hindi nagtagal si Teejay sa showbiz dahil ibang propesyon ang pinasok nito. Hindi ko na maalala kung saang five-star hotel siya noon connected, at mahilig din si Teejay sa volleyball.

Naging bahagi siya noon sa Ang TV pero mas nag-showbiz ang mga kapatid niyang sina Bodie at Djanin. Pero marami ring mga kaibigan si Teejay sa showbiz.

Wala pa kaming nakuhang kumpirmasyon mula sa pamilya, kaya hindi muna namin mabanggit kung saang funeral chapel sa Pa­rañaque ang burol. Baka kasi mas gusto nilang mapanatiling pribado ang kanilang pagluluksa.

Nakikiramay po kami kina Tirso at Lynn sa pagpanaw ng kanilang panganay na anak na si Teejay.

Heart hindi na interesado sa CRA 2

Sa tono ng mga sagot ni Heart Evangelista tungkol sa Crazy Rich Asians, tila hindi na siya interesadong mapasali rito.

Nag-audition daw siya sa unang Crazy Rich Asians at gustung-gusto kasi siya ni Kevin Kwan na naging kaibigan din niya.

Hindi raw niya alam kung isasali pa siya sa second part dahil hindi na raw siya nag-audition para rito.

“You know, bahala na si Lord. Kung ano man yung plano niya, hindi ko na pinipilit ang mga bagay-bagay,” pakli ni Heart nang nakatsikahan namin sa press launching ng LM for Kamiseta kamakalawa lang.

“Masaya naman ako dito eh. Baka maiba pa ang buhay ko pag nadala ako dun. Okay na kahit ano,” sabi pa niya.

Ang isa pang nakakaaliw na pahayag ni Heart ay nang napag-usapan namin ang tungkol sa mga basher.

Ang turing daw niya ngayon sa mga basher ay ‘tanggal malas’.

Hindi na raw siya apektado ngayon, dahil tingin daw niya kapag naba-bash, sinusuwerte.

“You know before, siguro mga two or three years ago, iniiyakan ko ang mga basher.

“But you know what?  Honestly, it’s tanggal malas. Bash me more, God’s gonna bless you more.

“I’m actually okay that they bash me because there’s always instantly something good that will happen.

“As long as alam mong wala kang ginagawa. Pero pag may ginagawa ka,  walang darating na blessing.

“If your heart is really good and pure when it comes to all of that negativity. But you know what? It’s okay,” saad ng Kapuso actress.

Nung buntis lang naman daw siya sobrang naapektuhan ng bashing, na talagang iniyakan daw niya.

“Meron kasi dati na nagba-bash na ‘sana pag-ihi mo sumama yung anak mo’, yun yung medyo umiyak ako.

“If there’s anything that I learn from that, the next time I’m pregnant, nanganak na ako dun ko na sasabihin,” napapangiting pahayag ni Heart.

Show comments