^

PSN Showbiz

Enrique napapagod sa ginagawang training ni Liza

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Enrique napapagod sa ginagawang training ni Liza
LiZQUEN

Kahit injured

Natuwa kami kay Enrique Gil nang nakasama namin sa Camsur nung nakaraang Sabado sa grand launch ng Aki Kan Camarines Sur na ginanap sa Jesse Robredo Coliseum.

Sobrang baliw na baliw ang mga kabataan nang mag-perform na si Enrique na bigay na bigay ang pagkanta at pagsayaw.

Nakatsikahan namin si Quen nang mag-dinner at excited na nga raw siya sa pagsisimula ng pelikulang pagsasamahan nila ni Liza Soberano.

“It’s a different dynamic from previous movies,” pakli niya.

Pero kahit magsu-shooting, tuloy pa rin daw ang training ni Liza para sa Darna.

Hindi pa niya alam kung kailan magsisimula under direk Jerrold Tarog pero matindi raw talaga ang training ng ka-loveteam niya.

“She’s been training non-stop. Walang tigil ang training niya. Kahit may surgery siya, pinapa-training pa rin siya, lifting with heavy weights. Napapagod ako for her,” pahayag ni Enrique.

Minsan sinasabayan daw niya ng training, kahit may surgery daw si Liza sa daliri.

Nagka-injury kasi ito sa taping ng Bagani at kailan lang daw kinuha ang bandage sa daliri pagkatapos operahan. Pero bilib daw siya sa pagpupursige ni Liza na mapaganda ang Darna.

Sa ngayon ay focused muna sila sa pelikulang gagawin nila, at si Enrique naman ay excited din sa isa pang project na para sa kanya. Ayaw niyang magbigay ng detalye kung sa TV o pelikula, basta solo project daw niya ito.

Sarah at Regine pinaglaruan sa rami nang ginawa!

Kahapon ng umaga ay nakuha agad namin mula sa AGB NUTAM ang ratings ng mga programa ng ABS-CBN at GMA 7 nung Linggo, November 18.

Siyempre, curious kami kung alin sa bagong reformat na ASAP Natin To at Sunday Pinasaya.

Ayon sa survey ng AGB NUTAM mas mataas ang programa ng GMA.

Hindi pa namin nakuha ang buong ratings ng Kantar na sinusundan ng ABS-CBN.

Active na active ang netizens habang pinapanood nila ang ASAP at Sunday Pinasaya nung Linggo.

Ang ilan sa mga komento, mas type raw ng matured audience itong bagong format ng ASAP Natin To pero hindi raw ito gaanong natipuhan ng millennials.

Meron pang mga nag-memes ng kuha ni Regine sa isang album na nakahiga at kuha ni Sarah na natutulog, dahil sobrang pagod na raw ang dalawang bida ng ASAP Natin To.

Ang dami kasi nilang ginawa sa naturang programa. Samantalang ang iba ay nag-i-emote dahil hindi man lang daw sila naalalang isali sa naturang programa.

Nung Linggo rin kasi nagkasabay na lumabas ang Christmas Station ID ng dalawang higanteng TV network at pinagpiyestahan na rin ito kung alin ang mas maganda.

Super daming big stars ng Kapamilya network na Family Love ang concept. Hindi pa nga kasama roon sina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Julia Montes at marami pa. Pero wala naman silang hanash, unlike Janno Gibbs na nag-i-emote na.

Puso sa Pasko ang konsepto na kung saan inilahad ang mga natulungan ng Kapuso network.

Mas buo, dama mo ang diwa ng Pasko at well-distributed ang big stars dahil hindi naman sila kasindami ng ABS-CBN 2.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with