TNT boys
Matapos sa International Shows and Head Of States, TNT boys magpapasiklab sa Araneta
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2018 - 12:00am

Pasok na sa bagong reformat na ASAP starting tomorrow, Sunday, ang TNT Boys (Mackie Empuerto, Francis Concepcion and Kiefer Sanchez). Yup, magiging ASAP Natin ‘To na ang musical show every Sunday after 23 years kung saan makikipag-sanib-puwersa ang TNT Boys kay Sarah Geronimo.

Ang pagpasok sa ASAP Natin ‘To ang isa lang sa gagawin ng TNT na kasama sa mabilis na pag-arangkada ng career ng tatlong kids na grabe kung bumirit.

Imagine sa  loob ng halos isang taon lang, nakapaglibot na ang tatlong bagets sa iba’t ibang panig ng mundo matapos ngang manalo sa Your Face Sounds Familiar Kids. 

Bukod sa weekly appearance nila sa ASAP Natin ‘To, meron din silang Christmas album na pinamagatang TNT Boys Christmastime under TNT Records kung saan binigyan nila ng panibagong tunog ang ilan sa mga pinakasikat na classic Christmas songs.

As in sa presscon nga, sumisipol pa sila sa babata nilang ‘yun.

Hindi lang ‘yan, matinding biritan din ang gagawin nila  sa kanilang first major concert na Listen: The Big Shot Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nobyembre 30.

Makakasama nila sa concert si Vice Ganda, Jed Madela, K Brosas, pati na ang kiddie performers sa Your Face Sounds Familiar Kids na sina Chun-sa Jung, Esang de Torres, Krystal Brimner, Marco Masa, Noel Comia Jr., Onyok Pineda, Sheena Belarmino, at Xia Vigor.

Puwede pang bumili ng tickets para sa Box (P700), Upper Box (P400), at General Admission (P200) sections. Mabibili ito sa ticketnet.com.ph o tawagan lamang ang (02) 911-5555 para sa karagdagang detalye.

Mula nga nang mag-viral ang vocal showdown ng tatlo sa  Gandang Gabi Vice, sunod-sunod na ang naging appearances nila sa iba’t ibang international shows gaya ng Little Big Shots sa US, UK, at Australia. Nakapag-perform na rin sila sa harap ng iba’t ibang head of states gaya nina Pres. Rodrigo Duterte, Singaporean president Halimah Yacob, at Papua New Guinea prime minister Peter O’ Neill.

Lumipad din kamakailan patungong US ang trio para lumaban sa isang international talent competition, kung saan malapit na silang mapanood.

Unang nakilala sina Mackie, Kiefer, at Francis bilang grand finalists ng Tawag ng Tanghalan Kids. Naging kalahok din sila sa The Kids’ Choice, kung saan nagwagi sila ng P50,000 na ibinigay nila bilang donasyon sa Bantay Bata.

Indie producer nagluluksa sa paglakas ng streaming service

Sad ang isang indie film producer sa new land­escape ng local cinema.

Paano na raw sila magpo-produce ngayong mapapanood na lang ng libre ang pelikulang katulad ng Glorious. Sure daw siyang sooner or later, tuluyan nang mamatay ang local indie films.

Paano pa nga naman daw magbabayad ang audience sa mga sinehan kung libre silang makakapanood sa streaming services like Netflix of iWant ng original films na malaki pa ang resources kesa sa tulad nilang indie producer.

Aside from that, worried din siya na wala nang censorship ang mga napapanood sa streaming services. Paano na raw ang mga bata at underage na manonood. Paano pa sila pipigilan kung puwede mo naman itong ma-access anywhere and anytime.

May point nga naman siya. Walang say ang Movie and Television Review and Classification Board  (MTRCB) sa mga streaming services kaya wala talagang magiging classification ang ganyan. At lalong may point siya na baka nga tuluyan  nang magbabu ang indie films sa kamalayan ng manonood unless maging content producer din sila.

TNT BOYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with