^

PSN Showbiz

‘Bakit kasali ang pangalan ko’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bongga na ang issue tungkol kina Nicko Falcis at Kris Aquino.

Kaloka dahil nasawsaw na naman ang pangalan ko samantalang vacation time ang ginawa ko sa Bangkok with the group of Kamiseta, Leo Espinosa, Julie and Pat P. Daza.

Nagla-lunch tayo, Mama Salve nang mag-join ang mga taga-Bangkok na kilala si Nicko at dun na nagsimula ang kuwentuhan. ‘Kaloka ang mga rebelasyon na ikinagulat natin, at the height, nandun si Nicko that time pero hindi natin nakita.

Bongga nga kung na-meet natin siya dahil sure na mas marami pang revelation. But in fairness, hindi naman siguro impulsive move iyon kay Kris.

For sure na tinimbang din niyang mabuti bago siya gumawa ng move. At hindi rin naman siguro siya basta na lang mag-a-accuse ng walang ebidensiya.

This will be a good fight for both dahil marami rin nagba-back up kay Nicko at marami rin nasa side ni Kris.

Pray na lang ako na maayos ang lahat para hindi ma-pressure at sumakit ang ulo ni Kris dahil sa stress. Give love on Christmas day, para happy at love love love.

‘Habulin ng intriga’

Pero talaga meron mga tao na takaw-away, meron naman habulin ng intriga, meron malapit sa aksidente, pero bakit ako parang hinahanap ng issues?

Kahit ano pinag-uusapan, malamang kasali pangalan ko. Kaloka ha. Iyon sinasabi ni Atty. Jesus Falcis na parang lahat ng nangyayari sa buhay ni Kris nalalaman namin ni Anna Pingol at salamat sa depensa ni Joan Maglipon, hindi totoo. In fact, hindi ko alam ang  telephone number ni Kris dahil wala naman kami dapat pag-usapan. Nagkaroon lang kami ng communication nung nagkita kami sa kasal ni Alfred Vargas. So hindi dapat mag-react si Atty. Falcis. In fact, nung nilagay ko sa Insta ko iyon Bangkok incident honestly natakot pa ako baka akala pinagtatanggol ko si Nicko dahil sinabi ko marami nag-vouched sa character niya at marami naniwala na hindi niya magagawa.

Natakot ako dahil ayoko ko isipin kumampi ako kay Nicko eh 2 batch ng GCs ng S&R pinadala sa akin ni Kris  at kahit paano may history kaming dalawa at may soft spot siya kahit paano sa heart ko.

Hay naku, talagang lagi na lang ako nasasali, lagi nadadamay lagi na lang, huh huh, bakit ganun?

Ang attention ko nasa Korean, tapos kasali na naman ako? Save me Jo In-sung and Nam Jo Hyuk, please save me huh huh huh. 

(Kinasuhan ng qualified theft ni Kris ang kanyang ex project manager na si Nicko Falcis. -Salve A.)

Coco Nag-Sorry

“Pasensya na po!” ang short but meaningful reaction ni Coco Martin tungkol sa reklamo ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na negative ang portrayal ng mga police officer sa Ang Probinsyano.

Bukod sa apology, nag-post si Coco sa Instagram account niya ng disclaimer tungkol sa mga eksena ng kanyang action drama series sa ABS-CBN, “Ang mga pangalan, karakter, at mga insidente sa programang ito ay kathang –isip lamang at hindi nagpapakita ng mga totoong tao, organisasyon, lugar o kaganapan. Anumang pagkakahalintulad  sa totoong buhay ay hindi sinasadya.”

Naki-agree sa obserbasyon ni Director General Albayalde si Senator Panfilo Lacson na former chief ng PNP na nagpaalala na paglabag sa batas ang paggamit ng uniporme ng pulis sa show.

Sinabi ni Senator Ping na mara­ming nagawa na mabuti ang PNP, lalo na ngayon.

 May mga nakiayon at may mga kumontra sa emote ni PNP Chief Director General Albayalde laban sa mga karakter at eksena sa Ang Probinsyano na para sa kanya ay nakakasira sa magandang imahe ng mga pulis kaya nagreklamo siya sa MTRCB.

May alternative show na puwedeng panoorin ang mga agree kay Albayalde, ang Cain at Abel ng GMA 7 na starring sina Dennis Trillo at Dingdong Dantes.

Walang mga pulis na kontrabida at masasama sa Cain at Abel dahil kuwento ito ng magkapatid na dating nagmamahalan pero naging mortal na magkaaway.

Bongga ang mga eksena nina Dennis at Dingdong sa trailer ng Cain at Abel dahil kakaiba ang kanilang mga fight scene na concept ni Toto Natividad.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with