^

PSN Showbiz

Diego binasag ang pananahimik

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Diego binasag ang pananahimik
Diego

Pinabulaanan ni Diego Loyzaga sa isang kaibigan ang balita na nagtangka siya na tapusin ang sariling buhay.

At least, may sagot na si Diego, kahit mas marami ang naniniwala na may katotohanan ang tsismis na mahirap patunayan maliban na lang kung mismong ang sangkot sa isyu ang aamin.

Natagalan bago sumagot si Diego kaya nagkaroon ng mga conclusion na may bahid ng truth ang tsismis na kumalat noong nakaraang linggo. May nagkumpirma rin na naka-confine siya sa isang ospital sa Quezon City noong Huwebes pero hindi sinabi ng informant ang dahilan.

Sa kabila ng denial ni Diego, tahimik pa rin ang kanyang mga magulang na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Catriona malaki ang ipinayat, handAng-handa na sa Miss U

Malaki na ang ipinayat ni Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray na sighted sa coronation night ng Queen of Quezon City noong Sabado.

Hindi agad nakilala ng mga tao si Catriona dahil malaki nga ang nabawas sa kanyang timbang mula nang seryosohin niya ang pagpapapayat bilang paghahanda sa Miss Universe 2018 na magaganap sa susunod na buwan sa Bangkok, Thailand.

Dahil slim and lean, lalong tumangkad si Catriona sa paningin ng Queen of Quezon City audience na naniniwala na malaki ang tsansa niya na mapansin sa international beauty pageant na sasalihan.

Hoping ang mga beauty pageant fans na mana­nalo si Catriona sa Miss Universe dahil talunan sa ibang mga international beauty contest ang Phi­lippine delegates.

Si Catriona at si Katarina Rodriguez na lang ang mga inaasahan na magtatayo ng bandila sa mga contest na sasalihan nila dahil first runner up lang si Ahtisa Manalo sa Miss International 2018 na ginanap sa Tok­yo noong Biyernes.

Si Katarina ang candidate ng Pilipinas sa Miss World 2018 sa Sanya, China.

Tattoo sa beauty contest pwede na

Puwede na pala sa mga beauty contest ang mga kandidata na may tattoo dahil nadagdagan ang mga tattoo sa katawan ni Katarina.

Unang napansin ang tattoo ni Katarina nang sumali siya at manalo sa Bb. Pilipinas 2017.

Miss Intercontinental Philippines ang title na napanalunan ni Katarina sa Bb. Pilipinas noong nakaraang taon.

Nang interbyuhin siya ng mga reporter, dinedma ni Katarina ang tanong tungkol sa kanyang tattoo sa katawan.

May mga tattoo rin sa katawan si Miss World Philippines 2017 Rachel Peters at gaya ni Katarina, dedma rin siya nang tanungin tungkol sa kanyang mga tattoo.

Dati-rati, bawal sumali sa mga beauty contest ang mga kababaihan na may tattoo sa katawan at may mga sexy pictorial pero malaki na ang ipinagbago ng panahon dahil kung tumatanggap na ng transwoman candidate sa Miss Universe, bakit hindi puwedeng tanggapin ang mga tunay na babae na may tattoo?

Papa Albee hands on sa itinatayong Magic Land

Naloka ako na hindi pa tayo nakakaalis ng Hong Kong may invitation na agad si Papa Albee Beni­tez na ipakita sa atin uli ang Macau, Mama Salve.

Sa ngayon ay abala si Papa Albee sa kanyang Magic Land na itinatayo sa Negros. Ito ang local natin Disneyland at siguro pag nagawa na ay magiging hub of commercials ang Negros.

Sure ako na dadayuhin iyon ng tao, buong Pilipinas ay gugustuhing makita how we can run a local Disneyland, bongga talaga. Ito at marami pang ibang business ang hinaharap ngayon ni Papa Albee kaya wala muna siya sa politics, gusto niya talagang hands on siya sa mga binuksan niyang business bago niya harapin uli ang politics. Hay naku, first sa list ko ang pagpunta sa Negros ha, ‘pag bukas na ng Magic Land. Proud ako na meron na tayo local Disneyland.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with