Maja
Maja hindi na nakakaramdam ng pressure sa bagong serye
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2018 - 12:00am

Kasalukuyang nasa Dubai si Maja Salvador para sa international screening ng pelikulang To Love Some Buddy na pinagbibidahan nila ni Zanjoe Marudo. Gaganapin bukas ang nasabing screening sa Reel Cinemas ng The Dubai Mall. Sa ngayon ay napagsasabay muna ng aktres ang trabaho at pagbabakasyon.

Isang bagong teleserye ang pinaghahandaan ni Maja pagpasok ng 2019. “Magbabalik po ako sa Star Creatives,” naka­ngiting bungad ni Maja. Matatandaang tumatak sa mga manonood ang karakter ng dalaga bilang si Lily Cruz sa Wildflower na nagtapos noong February.

Umaasa si Maja na muling ta­tangkilin ng mga tagahanga ang kanyang susunod na serye at ang bagong karakter na kanyang gagam­panan. “Lahat naman po ng show ng ABS-CBN, binibigay natin kung ano ang bago, kung ano ang magagandang istorya. Kasi sa dami natin dito, sa daming kuwento ng mga Pilipino, hindi pa naman natin naibibigay lahat ng istorya,” paliwanag ng aktres.

Para kay Maja ay hindi na dapat makaram­dam pa ng pressure sa tuwing may bago siyang gagawing proyekto. “Bawal tayo ma-pressure, kasi dapat gano’n naman eh. Iba-ibang istorya, iba-ibang karakter ang gagawin mo para hindi magsawa ‘yung mga Kapa­milya din po natin,” katwiran niya.

Nanay ni Janella nag-iisip pa kung kakasuhan si Elmo

Nagsalita na rin ang ina ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio tungkol sa isyung pisikal na pang-aabuso diumano ni Elmo Magalona sa anak.

Ayon sa naging pahayag ni Janella kamakailan ay dalawang beses na siyang nasaktan  ni Elmo. “Finally the truth came out na and ‘yon lang naman ‘yung hini­hingi namin. Hindi naman siya basta-basta magsasalita kung sana meron lang earlier admission that they also promise from their end,” pahayag ni Jenine. Personal daw na ikinuwento ni Janella sa ina ang tunay na mga nangyaring pang-aabuso ng aktor sa dalaga. Kinailangan pa raw na humingi ni Janella ng professional help upang malampasan ang trauma dahil sa mga pangyayari. “To overcome trauma. Siyempre medyo hindi madali ‘yung pinagdaanan niya and we just want to make sure that she can cope,” giit ni Jenine. Personal ding humingi ng tawad si Elmo sa aktres dahil sa mga nagawang pananakit kay Janella. “In fairness he apologized personally three weeks after the incident. After talking to the Star Magic people, he texted me asking me if he could talk to me. I granted his request. The following day nagkita kami and ‘yon we had a one on one. That’s when he promised me about the public apology. That didn’t happen,” kwento ni Jenine.

Sa ngayon ay wala pang linaw kung magsasampa ng kaso laban kay Elmo ang kampo ni Janella. “I cannot answer that right now,” makahulugang pagtatapos ni Jenine.

MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with