Bea nagka-crush noon kay Richard!

Bea

MANILA, Philippines — Pagkatapos makapareha sa pelikula si Aga Muhlach, si Richard Gutierrez naman ang makakatambal ni Bea Alonzo at ito’y sa primetime bida ng ABS-CBN. Nai-meeting na ang dalawa, pero magkahiwalay, nauna na si Richard at noong isang araw si Bea naman ang nakaharap ng creative team.

Ang Star Creatives TV ang hahawak ng project nina Richard at Bea, wala pang ibang detalye, pero dahil sa hashtag na #ProjectIronHeart, ang feeling namin, Iron Heart ang magiging title ng primetime series ng dalawa.

Marami ang nag-aabang sa Richard-Bea tandem at ewan kung totoo, pero naging crush daw ni Bea si Richard noong lumalabas ang aktor sa Mulawin. Ngayon, magkatambal na sila.

Kahit hindi pa nasisimulan ang taping at sa 2019 pa ang airing, may mga nagre-request na sa Star Cinema na pagtambalin din sa pelikula sina Richard at Bea.

John pinasalamatan si Janice sa ginawa sa kanilang mga anak

May kasunod nang project sa GMA-7 si John Estrada hindi pa man tapos ang Victor Magtanggol dahil kasama siya cast ng bagong primetime teleserye ng network na Dalawang Mukha ni Guadalupe. Ibig sabihin nito, tuluy-tuloy ang trabaho ni John dahil this November ang start nila ng taping at kundi January ay February 2019 ang airing.

Hindi pa nabanggit kung ano ang role ni John sa Dalawang Mukha ni Guadalupe na bida sina Barbie at Mika dela Cruz. Kasama rin sina Carmina Villarroel, Glydel Mercado, Mike Tan at Alicia Alonzo. Si Albert Langitan ang director ng teleserye.

Samantala, mabuti at hindi napikon si John sa mga nag-comment na dapat niyang pasalamatan si Janice de Belen dahil lumaking mababait ang kanilang mga anak. Sabi ng netizens, pasalamatan ni John si Janice na ginawa nito at nag-post ng “Of course thanks to @super_janice for the superb job with our kids...”

In fairness kina John at Janice, kahit hiwalay sila, maayos ang relasyon nila kahit dahil na lang sa mga anak nila. Kaya libreng nakakadalaw kay John ang mga anak nila at mag-stay sa bahay nila ni Priscilla Meirelles.

Richard ‘matamis’ ang pa-birthday kay Sarah

Birthday ni Sarah Lahbati noong October 9 at ang ganda-ganda ng birthday message ni Richard Gutierrez sa kanya na pinost sa Instagram (IG).

“Happiest birthday to my love. May your heart be filled with happiness & your spirit filled with His blessings. Thank you for making not only me, but our entire family complete every single day, I hope you are showered with all the blessings and gratitude you deserve. Kai, Zion and I love you mahal.”

Sinundan pa ni Richard and naunang birthday greetings ng “I love you now and always. Happiest birthday my Love.”

May mga nagtatanong kung bakit hindi pagsamahin sa TV o kaya’y sa pelikula sina Richard at Sarah. Ang last TV project pa ng mag-asawa ay sa GMA-7 pa na kung saan, doon sila nagkakilala at nag-ibigan.

Leading lady ni Christian sa Recipe..., buntis na

Buntis na pala si Cora Waddell, ang leading lady ni Christian Bables sa Regal Entertainment movie na Recipe for Love. Nag-post kasi si Cora ng “Expecting and comfy in @apartment8clothing” na isa siya sa celebrity endorser.

Sa direction ni Joey Reyes, showing sa November 21 ang Recipe for Love na kung saan chef ang role ni Christian at vlogger naman ang role ni Cora at magkaka-clash silang dalawa. Kabilang sa cast sina Ogie Diaz, Myrtle Sarrosa, Sophie Albert, Enrico Cuenca at Agot Isidro.

Anyway, sa teaser pa lang, masarap na ang Recipe for Love, nakakagutom panoorin at ang ganda ng cinematography ng movie na nakadagdag sa ganda.

Show comments