Maine at Alden malaki na ang sakripisyo sa lovelife

Alden at Maine

Alam mo Mama Salve, isa sa pinakamagandang sagot na narinig ko tungkol sa lovelife ay galing sa favorite Korean actor ko na si Jo In-sung. Nang itanong sa kanya ‘why up to now you don’t have a lovelife?’ sa isang interview, ang sagot niya ‘no wo­man will like to be my girlfriend, with all the pressures and intimidation she will go through.’ O ‘di ba totoo naman. Pag sikat kang tao, kung sinuman partner mo tiyak nasa eye of the needle. Lahat papansinin, lahat uuriratin. Iyan tiyak ang nangyayari kung bakit takot kahit sino na mapalapit kay Alden Richards at Maine Mendoza. Friends pa lang, pinuputakti na, tambak na bashing na ang natatanggap. Ang lakas talaga ng loob mo kung ipagpapatuloy mo ang panliligaw o magpaligaw dahil umpisa pa lang durog ka na.

Nakita ko ang wisdom sa sagot ng kinababaliwan kong si In-sung. Mabuti alam niya na isang malaking sakripisyo para sa magiging partner niya kung sakali, at sino nga naman babae ang makakatiis maliban na lang kung mahal na mahal mo at handa kang lumaban.

Ay naku the price of popularity, the price you have to put up para sa posisyon mo. Sana alam din ng fans na kawawa din ang mga idolo nila, marami rin dapat isakripisyo, dapat i give up. 

Love scam usung-uso, pinay naloko ng nagpanggap na German pilot

Nakakaloka ang kuwento na napanood sa Kapuso Mo Jessica Soho noong Linggo tungkol sa love scam.

May isang pamilya na naloko ng foreigner na guwapo at nagpanggap na piloto na kiyeme-kiyemeng nagpadala ng mga gamit at US$20,000 sa Pinay na naging girlfriend niya at nakilala lamang sa Facebook.

To make the long story short, gumastos ng P200,000 ang mga niloko na Pinay na nangutang para matubos sa embassy ang package na ipinadala sa kanya ng piloto na nakakausap lamang niya sa telepono.

Sa tulong ng staff ni Je­ssi­ca Soho, nabuking na ginamit lang ng scammer ang litrato ng German pilot na si Patrick Biendekapp.

Nakontak ng staff ng show ni Mama Jessica si Patrick at ito ang nagsabi na nakakatanggap siya ng mga tawag at message mula sa mga tao na biktima ng scammer na ginamit ang kanyang mga litrato na naka-post sa social media account niya.

May kasalanan ang magkapatid na Pinay na biktima ng scam dahil naniwala sila sa matamis na pananalita at pangako ng isang tao na nakilala lang nila sa Facebook.

Nagduda na dapat sila nang humingi ng P50,000 ang scammer. Ang kaso, nagpasilaw rin sila sa malaking halaga ng pera na ipinadala kuno ng manloloko.

Umabot sa P200,000 ang utang ng magkapatid na naghangad ng kagitna pero isang salop ang nawala. Deleted na ang Facebook account ng mhin na nang­loko sa kanila kaya baka mahirapan na ang NBI na ma-trace ang kinaroroonan ng scammer.

Marami ang nanonood ng show ni Mama Jessica at makatulong sana ang kuwento na ipinalabas nila para hindi na maulit ang insidente. Maging aral sana ang love scam episode ng Kapuso Mo Jessica Soho sa mga kababayan natin na gustong yumaman agad sa mabilis na paraan pero lalong naperwisyo dahil naging biktima ng mga mangloloko.

Show na ire-reformat, maraming mawawalan ng raket

May magaganap na reformat sa isang show dahil talo na ito sa rating ng kalaban na programa.

Hindi lamang babaguhin ang concept ng show dahil papalitan rin ang production staff kaya marami ang mawawalan ng source of income. Siyempre, hindi maiwasan na magtampo ang mga matsutsugi na staff member dahil kung kailan malapit na ang Pasko, saka mababawasan ang raket nila.

 

Show comments