Dingdong at Richard may kumpitensya sa trono ng prince!

Richard at Dingdong

Maraming fans ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang nag-aalala sa sinabi ni Richard Gutierrez na siya ang prince sa titulo ng Fantastika movie ni Vice Ganda para sa MMFF 2018. Hindi sila pabor na maging mas maliit ang role ni Dingdong kaysa kay Richard sa nasabing movie na punung-puno ng artista. Pero, kung hindi prince ang Kapuso actor sa movie, ano ang role niya? Wala ba itong isyu sa kanya, kahit pa pinayagan niyang mag-cameo ni Marian Rivera sa pelikula?

Kung sakali, magiging pabor si Vice sa pagka­karoon ng kontrobersya ng kanyang pelikula. Magiging malaking tulong ito sa effort niya na maging no. 1 ang movie niya sa Pasko.

Janella inayawan ng fans sa mabilis na pag-move on kay Elmo

Hindi pa opisyal na wala na sina Janella Salvador at Elmo Magalona. Wala pang effort na nakita sa anak ng Master Rapper to win his ladylove back. Marami tuloy ang naniniwala at nagagalit na totoong lahat ang ibinulgar ng kanyang ka-love­team na pananakit niya dito ng hindi lamang miminsan kundi dalawang ulit pa.

Isang malaking kasalanan at kinokondena ang pananakit ng lalaki sa babae. Pero, hindi rin tanggap ng mga followers ng ElNella ang ginawang pakikipag-date ng ganito kaaga ni Janella kay Marco Gumabao.

Hindi lamang sila nagkasama sa isang lakaran, nakita pa rin silang holding hands. Gulat ang mga fans ng ElNella dahil sa bilis ng pagmo-move on ni Janella. Ano kaya ang reaksyon dito ni Jenine Desiderio?

Ricci nagpakita ng lakas

‘Di pa man naipapalabas ang debut film niyang Otlum ay kumukuha na ng malaking atensyon ang basketbolista ng UP Maroons na si Ricci Rivero. Nakasama siya sa mall tour ng kanyang movie na sa Pasko pa ang showing dahil isa ito sa walong entry sa Metro Manila Film Festival 2018 pero, kung isa sa palatandaan na pipilahan sa takilya ang pelikula dahil sa lakas na ipinamalas nito sa event na ginanap sa Sta. Lucia Mall, sapat na ‘yun para kabahan ang mga makakalaban nila.

Josh join na rin sa TVC

Marami ang natuwa na makita sa isang TVC ng isang breading mix ang mag-iinang Kris Aquino at ang dalawa niyang anak na lalaki na sina Bimby at Joshua. ‘Di bale ang bunso na malaki na ang exposure sa TV at pelikula pero, parang first appearance ito ng panganay ni Kris na mag-endorse ng isang produkto. At hindi kailangang maging fan ng ex presidential daughter and sister at itinuturing pa ring Queen of All Media para ma-appreciate ang kanyang effort para makatayong muli mula sa isang malubhang problema sa kanyang kalusugan at biktima ng pagnanakaw ng isang pinagkakatiwalaang tao.

Show comments