Mayor Abby
Mayor Abby maraming rebelasyon
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2018 - 12:00am

Nagkaroon ng chance ang showbiz press na makausap si Mayor Abby Binay noong Martes sa isang restaurant sa Quezon City.

Ang laban nila ng kanyang kapatid na si Junjun Binay sa mayoral race sa Makati City sa May 2019 ang topic dahil interesado ang showbiz reporters sa mala-teleserye na kuwento ng magkapatid.

Nagtataka kasi ang entertainment writers dahil ang kandidatura ni Junjun ang sinusuportahan ni Mama Nancy Binay at suportado naman ni former Vice President Jojo Binay ang pagtakbo ni Mama Abby.

Sinabi ni Mama Abby na hindi nito ikinagulat ang pagsuporta ni Mama Nancy kay Junjun dahil hindi sila close ng kapatid na senadora.

Ikinuwento ni Mama Abby na naging independent siya nang mag-aral noon sa UP Los Baños dahil dito siya natuto na mamuhay nang solo.

Nang mag-aral ng law, hindi na umuwi ng bahay si Mama Abby kaya naiiba raw siya sa kanyang mga kapatid na nakatira pa noon sa tahanan ng kanilang mga magulang.

Mabigat sa kalooban ni Mama Abby na kapatid niya ang kanyang mahigpit na kalaban sa mayoral race sa Makati City.

Inamin din ni Mama Abby na ilang taon na rin na may personal differences sila ni Mama Nancy pero hindi ito alam ng publiko hanggang magdeklara si Junjun na tatakbo rin ito na mayor ng Makati City.

Wala nang atrasan ang pagsasagupaan ng magkapatid sa halalan sa May 2019 kaya ipinauubaya na lamang nila sa mamamayan ng Makati City ang paghuhusga.

Enjoy ang lahat kay Mama Abby dahil wala talaga siyang inaatrasang isyu, lahat sinasagot niya.

Thank you nga pala sa aking BFF na si Marivic Larrazabal dahil siya ang na­ging tulay para makausap nang personal ng entertainment press ang controversial mayor ng Makati City.

At dalawa sa mga showbiz personalities na dating kaalyado ni Mama Abby ang lumipat sa kampo ni Junjun Binay, si Monsour del Rosario at Rico Puno.

Tatakbo si Monsour na vice mayor ni Junjun at konsehal naman si Rico.

Sinabi ni Mama Abby na naghiwalay sila ni Monsour dahil naka-focus ang atensyon nito sa sports kesa sa distrito nila sa Makati City.

May kinalaman naman sa kalusugan ni Rico ang pag-alis nito sa partido ni Mama Abby na pinayuhan siya na magpalakas at alagaan ang katawan dahil apat na beses nang isinugod sa emergency room ang singer na nagsilbi na noon bilang konsehal ng Makati City.

Nabahiran ng showbiz ang eleksyon sa Makati City sa May 2019 dahil nga sa pagkandidato nina Monsour, Rico Puno at Jhong Hilario na incumbent councilor ng first district ng kanilang lugar.

In fairness kay Jhong, tahimik siya at walang intriga ang panunungkulan niya bilang konsehal sa Makati City na sobra-sobra ang pasasalamat ni Mama Abby sa pagiging loyal nito.

ABBY BINAY JUNJUN BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with