^

PSN Showbiz

Jhong at Karylle champion sa magpasikat!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Jhong at Karylle champion sa magpasikat!

ASAP sa Sydney, siksik-liglig

SEEN: Ang duet nina Lea Salonga at Simon Bowman ang isa sa most applauded number sa 40th anniversary concert ng original Miss Saigon sa PICC Plenary Hall noong October 19. Si Simon ang leading man ni Lea sa Miss Saigon at bumisita siya sa Pilipinas dahil sa anniversary show ng singer-actress.

SCENE: Ang scalpers na nagbebenta ng tickets para sa concert ni Lea Salonga sa harap ng PICC. Hindi nagpaloko sa scalpers ang mga nanood dahil alam nila na matagal nang sold out ang tickets sa anniversary show ni Lea.

SEEN: Ang grupo nina Karylle at Jhong Hilario ang champion sa Magpasikat, ang anniversary competition ng It’s Showtime. Three hundred thousand pesos ang premyo na napanalunan ng Team Karylle and Jhong.

SEEN: Jampacked ang ASAP Live sa Sydney, Australia na ginanap kahapon sa International Convention Centre sa Sydney, Australia. Mainit ang naging pagtanggap ng crowd sa bagong Kapamilya star na si Regine Velasquez.

SCENE: Ang pasasalamat ni Carmina Villarroel sa lahat ng nanood kahapon sa pilot telecast ng Sarap Di Ba?, ang Saturday mor­ning show nila sa GMA 7 ng kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy.

SEEN: Ang mga feedback na hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagpili kay Carmina Villarroel na replacement kay Regine Velasquez dahil mas entertaining ito bilang host ng Sarap Di Ba?

SCENE: Ang mga Pilipino lang ang nagsasabi na Internet sensation sa Thailand ang lawyer at transgender woman na si Mader Sitang na naririto sa Pilipinas sa kasalukuyan.

JHONG HILARIO

KARYLLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with