Showbiz couple hiwalay na dahil sa bading!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2018 - 12:00am

Inaalam ko pa kung totoo ang blind item ni Arnold Clavio na ibinalita niya sa radio program niya kahapon sa DZBB.

Kumpirmado na raw na hiwalay ang kilalang showbiz couple dahil sa isang bading.

Ang unang kuwento nga niya, lalaki raw ang involved kaya umabot sa hiwalayan.

Nung nalaman ko kung sino itong tinutukoy na BI, medyo nagduda ako dahil nakikita ko pa namang masaya silang dalawa sa kanilang mga pinu-post sa kanilang social media account.

Nag-viral pa nga ang isang post nung girl. Kaya ewan ko lang kung totoo nga ito.

Ang inaabangan lang namin ay kung tutuloy ba itong si male celebrity sa pagtakbo sa mid-term elections.

Ngayong araw ang huling filing ng Certificate of Candidacy, kaya abangan namin sa isang lungsod ng Metro Manila kung magsusumite siya ng kanyang COC bilang konsehal ng naturang lungsod.

Asawa ng karelasyon ni Liz Uy may pakiusap, lupus nakukuha sa sobrang stress

Muling napag-usapan ang isyu ni Liz Uy at ang karelasyon nitong si Raymond Racaza dahil namataan ang unang asawa nitong si Dr. Geraldine Zamora-Racaza na dumalo sa opening ng photo exhibit na Scarred but not Scared na ginanap sa Greenbelt 5 nung nakaraang Sabado, October 13.

Ito yung photo exhibit para sa Hope for Lupus Foundation na inorganisa ni Department of Justice Undersecretary at dating Diwa Partylist Representative Emmeline Aglipay-Villar.

Active supporter si Dr. Ging sa advocacy na ito ni Sec. Villar para sa mga Lupus patients kaya dumalo siya roon.

Napangiti na lang siya nang naungkat na naman ang tungkol kina Liz at ng dating asawa.

Ayaw na raw niyang magsalita pa tungkol dun.  Okay naman daw siya, pero huwag na lang daw sana post nang post lagi sina Liz. Yun lang naman ang pakiusap niya. Mas gusto nilang pag-usapan ang tungkol sa sakit na Lupus dahil ang dami pa rin daw mga Pinoy na hindi alam kung ano ang sakit na ito.

Na-curious lang ang iba sa naturang sakit nang napag-usapan naman ang isang sakit na Urticaria na posibleng matuloy daw sa Lupus.

Ito ang sakit ni Kris Aquino na nabanggit niya sa kanyang IG post.

Isa sa mga doktor nga niya si Dr. Ging, pero mabuti at hindi naman daw matuloy sa Lupus. Malaking bagay daw kasi ang sobrang stress, kaya mas mabuting huwag na magpa-stress para di magka-Lupus.

Sabi ni Sec. Emmeline Villar; “Im glad that it’s not Lupus because it’s a complicated disease that attacks all the organs of the body, but of course I am sad that she was diagnosed with Urticaria.

“It’s just takes management. Siguro avoid stress, taking care of ourselves, getting enough sleep.”

Yasmien natutong kumain ng tama at mag-exercise sa ginawang serye

Punung-puno ng energy ang boses ni Yasmien Kurdi nang nakatsikahan namin sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH nung kamakalawa ng gabi.

Hindi pa rin daw kasi siya makapaniwalang siya ang nag­waging Best Drama Actress mula sa Star Awards for TV ng PMPC.

Dagdag bonus daw ito sa kanya dahil ang laking hirap daw talaga ang pinagdaanan niya sa afternoon drama niyang Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Pero pawang magagandang feedback ang natatanggap niya sa seryeng iyun dahil sa advocacy nila para sa AIDS victims. Pero ang isa sa napansin sa kanya ay ang pagpayat niya nang bonggang-bongga.

Halos 30 pounds ang nawala sa kanya nung ginagawa niya ito dahil kailangan daw talaga niyang pumayat para kapani-paniwala sa role na gina­gampanan niya.

LIZ UY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with