Michael tinalikuran ang career para sa anak na may cancer

Michael at anak

Bongga si Michael Buble ha, Mama Salve. Iiwan na niya ang pagkanta dahil gusto niya na personal na alagaan ang kanyang panganay na anak na may cancer.

Talagang iba na ngayon ang parenting style ng mga ama, hands on at very personal.

Katuwa ngang makita si Dingdong Dantes na dala-dala ang baby bag ni Zia na may dede at nagti­timpla ng baby milk.

Katuwa din makita si Dr. Hayden Kho na very loving na tinuturuan ng mga lesson niya si Scarlet.

At kung makikita mo si Bossing Vic Sotto na ipinaghehele ang napakataba na si Talitha, it will melt your heart.

Usually, ang akala natin na directly affected lang sa pag-aalaga ng mga bata ay ang mga ina nila. Napaka-heartwarming na malaman na ang mga father pala ay tinatamaan din at very affected sa mga nagaganap sa kanilang mga anak.

For Michael Buble na talikuran ang career niya while on top para personal na makita at alagaan ang anak, masasabi mo na napakabait niyang ama. Kinukuwento niya sa interview na tuwing nakikita niya raw na nasasaktan ang anak dahil sa sakit lagi raw niyang idinadasal na sana siya na lang ang masaktan.

Wow, bow ako sa love niya sa anak. Siguro may sapat na dahilan si God kung bakit sa isang limang taon na bata niya ibinigay ang ganung sakit, siguro mas alam niya ang mas mabuti, siguro isa lang itong pagsubok na mas maganda ang magiging resulta.

May dalawa pang anak si Michael, sana ma­ging healthy ang mga ito at gusto ko silang batiin for having a loving father like Michael. Keep fighting Michael. Fight.

Martin nag-show kahit may sakit

The show must go on para kay Martin Nievera kahit masamang-masama ang pakiramdam niya sa concert nila ni AiAi delas Alas sa Atlantic City noong October 13.

Not feeling well si Martin pero hindi niya ipinahalata sa audience na may sakit siya.

Nang matapos ang concert, saka lang sinabi ni Martin ang health condition nito sa pamamagitan ng isang quick note kaya lalong humanga  ang fans na hindi napansin na mabigat ang pakiramdam niya mula umpisa hanggang ending ng show.

Derek babalik ng EB

May tinanong ako na close kay Derek Ramsay tungkol sa scoop ni Papa Ricky Lo sa Philippine Star na magbabalik siya (Derek) sa GMA 7 pero deafening silence as in wala akong natanggap na confirmation or denial.

Madali ang sumagot ng yes or no kaya inisip ko na lang na totoo talaga ang balita pero baka hindi pa ready na magsalita si Derek o ang kampo nito.

Sa mga nagtatanong kung bakit magbabalik-Kapuso si Derek, simple lang ang explanation, nag-umpisa ang showbiz career niya sa Eat Bulaga.

Hero babalik sa konseho

Nag-file kahapon ng Certificate of Candidacy sa Comelec office sa Quezon City si Hero Bautista, ang younger brother ni Mayor Herbert Bautista.

Incumbent councilor si Hero ng District IV ng Que­zon City at kakandidato uli siya sa eleksyon sa May 2019 bilang konsehal pa rin ng distrito nila.

Show comments