Joshua
Joshua
Birthday Vacation ni Joshua ginastusan ni Julia
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2018 - 12:00am

Noong Linggo ay nagdiwang si Joshua Garcia ng kanyang ika-dalawampu’t isang kaarawan. 

Isang espesyal na regalo ang natanggap ng aktor mula sa kasintahang si Julia Barretto. Magkasamang nagbakasyon ang dalawa sa rest house na pag-aari ng aktres sa Bulacan. “’Yung bakasyon, siya gumastos lahat eh. No’ng Sabado nagpunta kami ng resort nina Julia. Grabe ang sarap maging tamad. ‘Yung tamad ka lang ng isang araw, dalawang araw. October 6 nando’n kami, sinalubong namin,” naka­ngiting kwento ni Joshua. 

Nakasama rin ng dalawa sa naging weekend getaway ang nakatatandang kapatid ni Julia na si Daniella at ang kasintahan nito. “Gusto lang naming mag-relax. Nag-boodle fight kami, para akong baboy do’n. Pagkakain namin, tutulog kami do’n sa may sofa sa may garden. Tapos kakain uli kami, tapos ang daming dinalang snacks ni Julia, mga chocolate,” pagdedetalye ng aktor. 

Ayon kay Joshua ay walang nagbago sa turingan nila ni Julia sa isa’t isa kahit pa dumanas ng pagsubok ang kanilang relasyon ilang buwan na ang nakalilipas. 

Bea nag-freak out kay Aga

Bilang isang artista ay noon pa raw pinapangarap ni Bea Alonzo na makatambal sa isang pelikula si Aga Muhlach. Masayang-masaya ang aktres dahil natupad ito at nagkatambal sila sa First Love na ipalalabas na sa mga sinehan sa Miyerkules. “Akala ko hindi na ako magkakaroon ng chance. Kasi nakatrabaho na siya ng ibang mga babae sa generation ko. Sina Angelica (Panganiban), Angel (Locsin), Anne (Curtis). Akala ko hindi na siya mangyayari until siguro ngayon ang perfect time,” bungad ni Bea. 

Hindi makapaniwala ang aktres na si Aga pa mismo ang personal na tumawag sa kanya upang ialok ang nasabing proyekto. “‘I have a project for us. Can I call you?’ Sabi ko sa driver ko, ‘Sandali, sandali tumigil ka. Tatawag si Aga Muhlach!’ Oo, talagang sinagot ko tapos sinubukan kong ikalma ang sarili ko,” natatawang kwento ng dalaga. 

Bilang ngayon lamang nagkatrabaho ay aminado si Bea na talagang kinabahan siya sa mga eksena nila ng beteranong aktor. “Naalala ko ito na ‘yung eksena namin nagko-cross kami sa street kaeksena ko si Aga Muhlach. ‘Yon ang pumako sa isip ko, hindi ako si Ady. Oh my God! Nagpi-freak out ako, si Aga Muhlach ang kaeksena ko,” masayang pagbabahagi ng aktres.

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with