Ex-dyowa ni Mocha tatakbo ring senador

Mocha at Agi

SEEN: Colon cancer ang ikinamatay ng 86-year old veteran movie director na si Mike Relon Makiling. 

SCENE: Agi Tuana ang pangalan ng lalaki na nagpakilala na ex-boyfriend ni former PCOO Undersecretary Mocha Uson at nag-file kahapon ng kandidatura sa Comelec dahil tatakbo siya na senador sa eleksyon sa May 2019.

SEEN: Hindi nag-iisa si Agi Tuana. Marami ang kagaya niya na nag-iilusyon at nagpapakilala na karelasyon ng mga popular showbiz personality dahil sa kagustuhan na mapag-usapan at magkaroon ng mga libreng publicity.

SCENE: Para sa viewers ng Onanay, distracting ang malaking pimple ni Kate Valdez sa pisngi. Ilang linggo nang may pimple si Kate pero hindi pa rin ito gumagaling.

SEEN: Ipinagdiwang kahapon ni Ricardo Cepeda ang 54th birthday. “My hubby” ang tawag kay Ricardo ng kanyang karelasyon na si Marina Benipayo kaya may mga nagtatanong kung kasal na sila.

SCENE: May special participation sa Fantastica ang mga look-alike ng mga pulitiko. Ang Fantastica ang official entry ni Vice Ganda sa 2018 Metro Manila Film Festival. Co-production venture ng Viva Films at Star Cinema ang Fantastica.

SEEN: May special and important announcement si AiAi delas Alas sa pagbabalik niya sa Pilipinas sa susunod na linggo. May mababago ang mga buhay sa announcement ni AiAi.

SCENE: May involvement sa All Souls Night ang suspense-thriller director na si Yam Laranas. Si Andi Eigenmann ang bida sa Halloween presentation ng Viva Films.

Show comments